Walong Sikreto ng Buhay Para Maging Masaya

0
111

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Bored ka na ba sa buhay mo? Yung sa tingin mo ay parang wala ka ng magandang direksyon na tinatahak at tatahakin pa? May mga sandali talaga sa buhay natin na nakakaramdam tayo ng disappointment at kalungkutang hindi maipaliwanag. May iba pa ngang nagsasabi na ayaw na nilang mabuhay. Ang totoo niyan, napakasarap mabuhay. Maraming magagandang bagay sa mundo ang hindi natin nakikita dahil nabubulag tayo ng mga negatibong pangyayari. Kung minsan ay kailangan lang nating mag-unwind at irefresh ang ating sarili. Kailangan din nating alamin ang sikreto ng buhay kung paano tayo magiging masaya sa kabila ng mga do’s and don’t sa mundong ito. Narito ang ilang sikreto ng buhay na maaaring makapagbigay sa’yo ng ideya kung paano mo magagawang maaliwalas ang iyong mundo.

1.Iwasan ang mga walang kuwentang tao. May tao nga bang walang kuwenta? Oo meron. Sila yung mga tao na hindi marunong magpahalaga sa sarili at lalo na sa ibang tao. We all have angels and demons, pero yung mga tao na hindi nagkokontrol sa kanilang devil side ay ang mga taong walang kuwenta na hindi mo dapat makasama. Iwasan mo sila para hindi ka mahawa ng kanilang negativity.

2.Okay lang kung ikaw ay mataba. Hindi porke’t mataba ka ay dapat mo ng ikahiya ang iyong katawan. Ang dapat mong siguruhin ay malusog ka at walang sakit na iniinda at iindahin. Kung ikaw naman ay sobrang payat, okay lang din, basta ba wala kang nakakahawang sakit. Ang importante dito ay mapangalagaan natin ang ating kalusugan, hindi mahalaga kung ano ang hitsura ng iyong katawan. Pero syempre pa kung ano sa tingin mo ang makakapag-improve sa iyong pangangatawan para maging maganda ka sa sarili mong paningin at sa kanila rin, e di mag effort ka.

3.Mahalaga ang edukasyon kaysa pangalan ng iyong paaralan. Huwag kang mahiya kung pumapasok ka lang sa isang hindi sikat na paaralan. Kung ito ang kayang ibigay na edukasyon sa’yo ng iyong mga magulang wala kang magagawa. Pero may magagawa ka para sa sarili mo. Kailangan mong palawigin ang iyong kaalaman at bigyang katuturan ang edukasyon na makukuha mo mula sa iyong paaralan. Sa labas nito ay marami ka ring matututunan pagkatapos.

4.Hindi mo kailangang sundan ang yapak ng iyong mga magulang. Natural na sa ating mga magulang ang mangarap para sa atin. Noong maliit ka pa lang gusto niyang ikaw ay maging isang doktor, dahil ito ang linya ng iyong pamilya, pero nang lumaki ka na, ang nais mo na ay maging guro. Kung gano’n sundin mo ang nais mo. May sarili kang pag-iisip , sariling kaligayahan at balang araw ay sariling buhay na hindi sila kasama kaya dapat lang na pakinggan mo kung ano ang ibinubulong ng iyong puso. Gawin mo ito nang hindi mawawala ang pagmamahal mo sa kanila bilang iyong mga magulang. Sa huli ay makakamit mo ang pagsuporta nila sa pangarap na nais mong maabot.

  1. Huwag mong ikahiya ang iyong mukha at iba pang kakulangan. E ano ngayon kung hindi ka kagandahan o hindi ka kaguwapuhan? Importante ay naliligo ka araw-araw, hindi mabaho ang iyong hiniga, wala kang amoy sa kilikili at higit sa lahat ay wala kang bad attitude. Hindi ganon kaimportante kung may pimples ka, bulol ka o pangit ang boses mo. Ikaw ay ikaw at dapat mong ipagmalaki ang iyong sarili.
  2. Tanggapin ang mga pagbabago. Nothing is permanent. Even your bestfriend. Lahat ay nagbabago kaya dapat palagi kang maging bukas sa mga pagbabagong ito. Maging ang sarili mo ay maaaring magbago. Huwag kang madesperate kung hindi mo na maibabalik sa dati ang lahat.

7.Okay lang maging single. Lahat daw ng tao ay may nakatakdang ‘the one’ o ‘truelove’. Kung hindi mo pa natagpuan ang sa’yo at kung hindi na ito dumating sa buhay mo, huwag kang masyadong mag-emote. Maari ka pa ring maging masaya sa dami ng pwede mong gawin na mag-isa.

  1. Maglakbay at tumuklas. Huwag mong isemento ang mga paa mo kung saan ka man nakatayo ngayon. Maganda ang mundo. Dapat mo itong makita.Dapat mong matuklasan ang mga sikreto ng mundo. Huwag kang magpapigil. Maikli lang ang buhay kaya sulitin mo ang bawat segundo nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here