WALANG AKSIDENTE SA MUNDONG ITO: SI CARL JUNG AT ANG KANIYANG THEORY OF MEANINGFUL COINCIDENCES

0
162

Karamihan ay hindi aware sa tinatawag na synchronicity. Ito ay ang mga meaningful pattern na makikita sa  paligid na siyang ginagamit na behikulo ng universe upang makapaghatid sa atin ng mensahe.

         Marami na akong article na naisulat tungkol sa iba’t ibang uri ng synchronicity sa paligid. Ano-ano ang mga ito, i-click lamang ang mga link para mabasa ang isinulat kong article tungkol sa paksa:

         Number Synchronicity: https://philippineone.com/ang-number-synchronicity-at-kahulugan-nito/

         Mga Kahulugan ng Hayop o Insektong Nakakasalubong sa Daan: https://philippineone.com/kapangyarihan-june-11-kahulugan-ng-mga-hayop-o-insektong-nakakasalubong-321/

         Ang Espirituwal na Kahulugan ng Palagiang Pagkakakita ng Paruparo: https://philippineone.com/lagi-ka-bang-nakakakita-ng-paruparo-may-mensahe-sa-iyo-ang-spirit-world/

         Lagi Ka Bang Nakakakita ng Tutubi, Ang Espirituwal na Kahulugan ng Palagiang Pagkakakita ng Tutubi: https://philippineone.com/lagi-ka-bang-nakakakita-ng-tutubi-ang-espirituwal-na-kahulugan-ng-palagiang-pagkakakita-ng-tutub/

         Bagama’t hanggang sa ngayon ay wala pa ring konkretong siyentipikong pag-aaral na isinasagawa tungkol sa synchronicity, ilang psychologist na ang nagbigay ng kanilang makabuluhang teorya tungkol sa nasabing phenomenon. Isa na rito ay ang pamosong si Carl Jung.

         Inilarawan ni Carl Jung ang Synchronicity bilang isang pattern na pagitan ng mga oras. Ayon kay Jung, ito ay nagsisilbing gear o gulong ng oras. Bawat pag-ikot ng oras ay nakatakda na o may sinusundang pattern. Ang mga taong aware sa kanilang kapaligiran ang siyang tanging nakakapansin ng mga pattern na ito.

         Samakatuwid, walang aksidente sa mundong ito, ayon kay Carl Jung. Lahat ng nagaganap ay nakasunod sa isang invisible pattern ng oras.

         Ayon kay Carl Jung, maraming variation sa time pattern. Ibig sabihin, maaari mong baguhin ang isang bagay na nakatakdang maganap ayon na rin sa iyong choice at personal circumstances.  Bawat choice na ating ginagawa ay nagkakaroon ng panibaong outcome. Ito ang pagsisimulan ng bagong pattern sa ating buhay.

         Dito nakakatulong ang pagiging aware natin sa tinatawag na synchronicity o mensahe ng universe. Sa wastong pakikiramdam sa mga pattern sa paligid, maiiwasan natin ang isang kapahamakan o hindi magandang pangyayari sa buhay.

         Sadyang walang aksidente sa mundong ito. Lahat ay nakatakda. Ngunit, nasa atin na kung paano magaganap ang bagay na itinakda.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here