Wala mang tao, may nagmamasid sa’yo

174

May mga pagkakataon talagang mararamdaman mong di ka nag iisa sa paligid, ngunit kahit anong lingon mo ay wala ka namang nakikita. Hindi ka naman kasi nag iisa talaga sa’yong bahay kahit sabihin mong pamilya mo lang ang naninirahan. Bawat bahay naman kasi ay mayroong elemento na nakatambay doon.

Sa maniwala ka man o sa hindi, kahit sa’yong bahay ay mayroon ding naninirahang nilalang. Hindi mo man sila nakikita pero gumagawa sila ng paraan para sila ay iyong mapansin. O, di ba may pagkakataon na hanap ka ng hanap ng gamit mo pero di mo makita. Tapos kapag di mo na kailangan ay saka mo nakikita. Ang dahilan, napagkatuwaan ka.

Dalawang klase ng nilalang lang naman ang nskakasama mo sa bahay. Mabuti at masama. Kaya, malalaman mo agad kung ang mga nilalang na nasa tabi mo ay magbibigay ba sa’yo ng suwerte o kamalasan. Naririto ang mga ginagawa ng mga nilalang na iyong nakakasalamuha sa bawat araw.

Mabubuti. Mapalad ka kung sila ay naninirahan sa’yong tahanan dahil palagi kang susuwertehin.  Anuman ang pinuproblema mo ay magagawan ng solusyon. Basta ipagpatuloy mo lang ang paggawa ng kabutihan sa’yong kapwa at tiyak na ikaw ay kanila ring tutulungan.

Masasama. Magkakaroon ka ng miserableng buhay kapag sila ang kapiling mo. Di ka kasi nila tatantanan. Guguluhin nila ang iyong buhay. Mas happy sila kapag nakikita nilang miserable ka. Kaya, maigi pang umalis ka na lang kaysa magulo pa ang iyong buhay. Siguro naman ay di mo rin gugustuhing malasin na lang palagi.

O, sino sa kanila ang madalas mong makasama?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here