VP Leni, Pinangatawanan Ang Bansag Na Lugaw Leni

Kaligayahan na yata ng mga bashers na Pinoy ang magbansag ng katawagan sa mga artista man o pulitikong hindi nila kursunada. At wala silang sinisino kahit pa ang matataas na tao sa lipunan ay wala silang keber. Kahit ikaw pa ang presidente, basta nasilipan ka nila ng butas ay ipuputong nila sa’yo ang korona ng katawagan sa paraang naisin nila. Hindi rin nakaligtas dito ang bise presidente ng bansa na si VP Leni Robredo. Kung marami ang mga naniniwala sa kanyang kakayahan ay marami rin ang hindi kuntento o hindi nasisiyahan sa kanyang trabaho bilang pangalawang pangulo. Kaya naman sa bawat kilos niya ay marami ang nakaabang at binansagan na nga siyang LugawLeni. Pero tulad ni Senator Nancy Binay noon na niyakap pa ang bansag sa kanya na ‘uling’, mukhang ganito rin ang strategy na naisip ni VP Leni para hindi siya masyadong ma-hurt at maipakita niya sa mga taong kumakalaban sa kanya ang kanyang kakayahan.

Syempre pa, ikinatuwa ito ng kanyang mga tagasuporta. Nitong martes, matapos mamahagi ng relief goods sa mga taga Batangas ay nagpameryenda naman si Leni ng espesyal na lugaw at pandesal. May hashtag pa itong #LugawLeni na siyang katawagan sa kanya ng mga bashers. Dahil dito ay umulan ng positibong komento sa twitter na umaayon kay VP Leni. Sa ipinakitang video, pinasalamatan ni VP Leni ang kapitan at alkalde ng Tuy Batangas dahil sa pagtulong at personal nilang pag-aasikaso sa mga evacuees. Makikita rin sa video na masaya si VP Leni sa ginagawa niyang pagseserve ng lugaw sa mga nakapilang bata at proud pang ipinakita ang nakasulat sa isang papel na LugawLeni. Kung ikinatuwa ito ng kanyang mga tagasuporta, maaliw din kaya ang mga DDS sa kanya?  Sa kabila ng hindi matapos tapos na sigalot sa pagitan ng ating mga pinuno at kanilang mga alipores, sa halip na makisawsaw ay gawin na lang natin ang ating tungkulin bilang mamamayan para sa ikauunlad ng bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here