Vitamin D Laban Sa Kanser

0
54

Ayon sa pinakahuling pag-aanalisa sa clinical trials, ang pag-take ng Vitamin D ay makatutulong upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na kanser. Sinasabing ang mga tao na umiinom ng Vitamin D supplements ay may mas mababang panganib na mamatay sa sakit na kanser kaysa sa mga tao na nagte-take naman ng placebo sa loob ng maraming taon.

Ayon sa World Health Organization (WHO) ang kanser ay pumapangalawa sa pinakamalaking dahilan ng kamatayan sa buong mundo. Noong nakaraang taon ay may 18.1 milyong tao ang nakatuklas na sila ay may kanser habang ang 9.6 million naman ay namatay na sa sakit na ito. Ang kanser ay nadedevelop kapag ang mga cells ay dumami nang hindi pangkaraniwan at nakabuo ng tumor na kumakalat. Maraming uri ang kanser. Depende sa kung saang bahagi ng katawan ito tumubo at ano ang uri ng cells na ito. Ang tsansa ng pagsu-survive sa sakit na ito ay kapag agad itong na-diagnose habang hindi pa ito kumakalat. Sa oras na ang kanser ay huli nang ma-diagnose at kumalat na, ito ay mahirap nang gamutin at maliit na ang tsansa ng pagsusurvive.

Karaniwan ay nakokonsumo ng mga tao ang Vitamin D sa pamamagitan ng pagbibilad sa araw at mula rin sa mga kinakaing pagkain. Habang ang iba naman ay kinokonsumo ito sa pamamagitan ng Vitamin D supplements. Ang Vitamin D ay ikino-convert ng ating katawan into an active form at ang proseso nito ay may dalawang stages. Una ay sa atay at ang pangalawa ay sa bato. Sa oras na ito ay ma-covert na into an active form, ang Vitamin D ay tumutulong na ma-absorb ang calcium habang ito ay nasa proseso ng pagtunaw at pinananatili ang blood levels para sa maayos na pagbubuo ng mga buto. Tumutulong din ito sa pagmimintina ng healthy bone.

Kapag ang tao ay kulang sa Vitamin D, posibleng makuha ang mga sakit gaya ng rickets sa mga bata at osteoprosis naman sa matatanda. Bukod dito, ang Vitamin D ay tumutulong din sa immune function at inflammation.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here