VISUALIZATION TECHNIQUE, ISA SA SUSI UPANG MAGKATOTOO ANG MGA PANGARAP MO SA BUHAY!

105

Kapag ikaw ay nagi-imagine ng mga bagay-bagay, paano mo nabi-visualize ang mga ito sa iyong isipan?

        Ang ating imahinasyon ay nasa anyo ng mga larawan o motion pictures na tila nanonood ka ng isang pelikula.

        Sa pamamagitan ng mga archeological findings mula sa mga nahukay na artifacts, napatunayan na karamihan sa mga nasusulat na salita ay nasa anyo ng mga simbolo at drawings. Ito ang tinatawag na hieroglyphics. Ang ilan sa mga pictogram ay nakalimbag sa mga pader at papyrus ng mga Egyptian, Minoan, Mayan, Aztec, at iba pang mga sinaunang sibilisasyon.

        Ito ang dahilan kaya laging ipinapaalala ng mga nagtuturo ng mind power na gamitin ang iyong imahinasyon at matutong mag-visualize kung may bagay o pangarap kang nais makamit. Mind over matter. Thoughts are things.

        I-visualize sa iyong isipan ang bagay na gusto mo, o gusto mong maging. Itanong sa iyong sarili kung bakit gusto mong mangyari ang mga bagay iyong pinapangarap. Maging specific.

        I-pokus ang iyong isipan sa bagay na nais mong makamit o mangyari. Mag-day dream ka tungkol dito. Bigyan mo ito ng buhay sa pamamagitan ng emosyon. I-visualize mo ang bagay o pangyayaring nais mong makamit na tila ba totoo itong nangyayari.  Paganahin ang iyong mga senses. I-visualize mo sa iyong isipan na ang bagay na gusto mo ay nasa harap mo na—nahahawakan, naaamoy, nararamdaman, nakikita.  

Magkaroon ng hindi matitinag na pananampalataya na deserving ka sa bagay na iyong gusto. Maniwala ka na ito ay iyong makakamtam. Kinakailangang maging malakas ang iyong pananampalataya. Ito ang inner conviction na siyang magbibigay ng magic sa iyong kaisipan.

Nakatitiyak ako na kung susundin mo, step-by-step, ang mga instructions ng visualization technique, magaganap ang milagro sa iyong buhay!

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Marso 25
Next articleLove Horoscope; Marso 25
Author/Psychic/Photographer/Blogger

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here