Vice Ganda : Ang komedyante ng masa

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Si Vice Ganda o Jose Marie Borja Viceral sa tunay na buhay ang isa sa mga hinahangaang komedyante ngayon ng masang Pilipino.Bukod sa pagiging komedyante, siya ay isang magaling na aktor, recording artist, television host at author. Siya rin ang kauna-unahang gay endorser ng malalaking produkto sa Pilipinas. Isinilang noong March 21,1976 sa Tondo, Manila. Siya ay bunso sa limang magkakapatid at lumaki sa Jose Abad Santos Street sa Manuguit, Tondo, Manila. Ang kanyang yumaong ama ay naging Kapitan ng Barangay samantalang ang kanyang ina na isang Ilokana ay caregiver naman sa abroad. Sa Far Eastern University siya nag-aral ng Political Science.

Nagsimula ang kanyang career sa pagiging stand-up comedian sa Punchline at sa The Library. Ang may-ari nito na si Andrew de Real ang nagbigay sa kanyan ng stage name na “Vice Ganda”. Dito niya nakuha at sinanay ang mga materyales niya sa pagpapatawa. Nagsimula siyang lumabas sa mga serye sa telebisyon tulad ng Dyosa at Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik. Naibahagi na rin niya ang kanyang mala-teledrama na buhay sa Maalaala Mo Kaya.Ang pagpasok niya sa It’s Showtime bilang regular judge ang nagbigay sa kanya ng malaking break para mas higit na hangaan at kilalanin sa industriya. Bukod sa It’s Showtime ay meron na rin siyang sariling Sunday talk show ang Gandang Gabi Vice. Nagsimula rin siyang maging isa sa mga judges ng Pilipinas Got Talent noong 2016. At sa kasalukuyan ay muli siyang naging parte nito bilang hurado.

Hindi lang sa telebisyon ipinakita ni Vice Ganda ang kanyang angking talento kundi pati na rin sa pelikula. Ang kanyang mga pelikula ay tumabo sa takilya at humakot ng mga awards. Ilan sa mga pinilahan ng masa ang:

Petrang Kabayo (2010)

vice ganda on philippineone.com

Praybet Benjamin,(2011)

vice ganda on philippineone.com

This Guy’s In Love With U Mare (2012)

Sisterakas (2012)

Girl Boy Bakla Tomboy (2013)

vice ganda on philippineone.com

The Amazing Praybet Benjamin (2014),

Beauty and the Bestie (2015)

The Super Parental Guardians (2016)

vice ganda on philippineone.com

The Revengers Squad (2017)

vice ganda on philippineone.com

Noong July 16, 2016 ay nagsulat si Vice Ganda ng kanyang kauna-unahang libro na pinamagatang “President Vice: Ang bagong Panggulo ng Pilipinas”.

Sa gitna ng kanyang kasikatan, mga ngiti at pagpapatawa, si Vice Ganda ay may strong personality at matatag na hinaharap ang mga pagsubok niya sa buhay. Marami siyang kritiko dahil sa mga hindi nagkakagusto sa style niya sa pagpapatawa subalit mas marami ang humahanga sa kanya at nabibigyan niya ng inspirasyon. Hindi siya perpekto bilang artista at bilang tao subalit hindi natin maitatanggi na ang husay niya sa kanyang larangan ay tunay na nakapagpapasaya sa maraming tao. Kaya naman patuloy siyang hinahanggan at minamahal ng kanyang mga tagahanga.

More TV Reviews

More Vice Ganda

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here