VEGETARIAN KA BA O VEGAN? (PART 1)

389
Flora Rivera

Akala ng iba, magkapareho ang isang Vegan at isang Vegetarian. Mali po kayo bagama’t may common denominator ang mga taong ganito. Pareho silang gulay ang pinaka-pagkain sa araw-araw. Saan sila nagkaiba? Ating alamin.

VEGETARIAN

Ang vegetarian, ayon sa mga iba’t-ibang uring depinisyon,  ay mga taong ang kinakain ay galing sa plant based foods na kagaya ng gulay, prutas, grains, legumes, nuts, and seeds. Hindi kumakain ng karne subalit kabilang sa kanilang pang-araw-araw na pagkain ay ang mga dairly products tulad ng gatas, itlog, keso at iba pa. May ilan rin na bagama’t hindi kumakain ng karne ay isinasama sa kanilang diet ang pagkain ng mga isda. Sa aking pagsasaliksik, may nabasa ako na nagsasabi na may apat hanggang pitong uri ng vegetarian.  Mas pinili kong i-share sa inyo ang pitong uri upang mas lumawak ang kaalaman natin hinggil sa pagiging vegetarian.

PITONG NA URI NG VEGETARIAN:

  1. Lacto-ovo-Vegetarian  

Ito ang pinaka-palasak na vegetarian diet sa bansang Amerika at sinusundan na rin ng mga kababayan natin. Ang main dish nito ay mga pagkaing mula sa halaman at hindi kumakain ng mapula at maputing karne, isda, at shellfish subalit kumakain rin ito ng mga produkto na galing sa hayop katulad ng gatas, yougurt, keso at mantikilya. (Ang lacto ay mula sa salitang latin na ang ibig sabihin ay milk o gatas at itlog naman ang ibig sabihin ng ovo.)

  • Lacto Vegetarian

Hindi kumakain ng mapula at puting karne, isda at itlog subalit kasama sa plant based food nila ang dairy products na tulad ng gatas, keso at yogurt.

  • Ovo Vegetarian

Hindi kumakain ng mga karne at dairy products subalit kumakain ng itlog

  • Flexitarian

Ito ay kumbinasyon ng mga sailtang flexible at vegetarian. Tinatawag ring semi-vegetarian. Naka-pokus sila sa plant based diet subalit kumakain rin ng mga karne paminsan-minsan. Ang kilalang dietician na si Dawn Jackson Blatner ang nagpakilala ng uri ng ito ng vegetarian kung saan ay binigyan ng flexibility ang mga nagnanais maging vegetarian.

  • Pollotarian 

Semi-vegetarian in nature. Kumakain ng manok at iba pang poultry products subalit hindi kumakain ng red meat, isda at iba pang karne ng hayop.

  • Pescatarian Semi Vegetarian in nature. Kumakain ng isda at shellfish subalit hindi kumakain ng karne ng hayop.
  • Vegan 

Ito ay naka-pokus lamang sa plant based diet. (Subalit ipapaliwanag ko ito ng mas maliwanag sa susunod kong artikulo.)

PAANO MAGING VEGETARIAN?

Para sa akin, ito ay isang desisyon na kinakailangang pag-aralan ng may katawan dahil maraming isasakripisyo ang isang taong mahilig kumain kapag pinili na niyang maging vegetarian. Mababawasan ang mga pagkaing masarap sa panlasa at mapapalitan ng mga pagkaing limitado ang sahog o kalikasan. Bagama’t ang ilang uri ng isang vegetarian diet ay hindi naglilimita sa mga processed foods, kinakailangang maging maingat rin sa pagkain ng mga processed foods kahit na sinasabing plant based ito. 

Ang pagkain ng mga vegetable chips ay hindi rin makakabuti kung ang dahilan natin ng pagpapalit ng food life style ay pangkalusugan. Kung gusto mong maging vegetarian, see to it na nakukuha mo sa lahat ng halamang kakainin mo ang lahat ng bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan. Ang kakulangan sa ilang sustansiya na nakukuha sa pagkain ng karne ay baka makaapekto sa ating kalusugan. Mas magandang magsaliksik at tingnan ang mga healthy benefits ng bawat halamang kakainin para maging aware tayo kung ano ba ang beneficial na kainin upang masustenahan ang mga kailangan nating bitamina at mineral sa katawan.

Sa susunod, ating susuriin ang pagiging VEGAN. 

SHARE
Previous articleANG MISTERYO SA NUCLEAR WEAPON NOONG UNANG PANAHON
Next articlePinay ang Pinakamatandang Tao na Nabubuhay sa Mundo
Flora Rivera is a well known writer of tagalog romance pocketbooks who became interested of health awareness when her first lab test showed a few health issues. From that time on, she began eating healthy for she believes that eating the right food can cure any sickness.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here