VATICAN, BINIBISITA NG MGA EXTRA TERRESTRIALS

0
286
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Latest posts by Ravenson Biason (see all)

May sitsit noon pa na ang Vatican ay dinarayo na ng mga Extra Terrestrial at UFO. Noong pumanaw si Pope John Paul II, kumalat ang mga diskusyon tungkol sa kanyang katayuan at ang posisyon ng Vatican sa ‘variety of objects’. Mula sa purong theological hanggang sa social issues.

Ngunit, ang lubhang nakakapukaw ng interes ng mga tao ay ang kamalayan tungkol sa mga UFO, buhay sa ibang planeta, at ET mula nang aminin ni Padre Gabriel Funez na ang mga ito nga umiiral noong taong 2008. Nariyang naging mulat na rin ang mga taga-Vatican sa mga akda ni Zecharia Sitchin. Kaya naman, nakipagdiskusyon noon si Sitchin sa theologian leader doon na si Monsignor Corrado Balducci sa isang international conference na ginanap sa Bellaria (Birmini) sa Italya.

Si Balducci ay itinalaga ng Vatican upang makipag-usap sa mgaisyu tungkol sa UFO at Extra Terrestrials. Aniya, ikinagagalak ni Balducci na makadaupang-palad si Sitchin dahil sa mga akda nito na pinag-uusapan. Sa isinagawang conference noon, ang tema nito ay ang “The Mystery of Human Existence”. Dumating si Sitchin sa Bellaria kasama ang esposa at bilang ng mga taga-hanga mula sa U.S.

Sa kanilang pag-uusap (na isinulat ni Sitchin sa naturang aklat) ay sinabi ni Balducci ang kanyang mga pananaw at katayuan ng Vatican tungkol sa mga UFO. Aniya, mayroon umano niyaon. Halos nasa libo na ang mga saksi, ngunit ikinakaila lamang. Naniniwala rin si Ballucci na maaaring may ibang nabubuhay sa ibang planeta. Sa Biblia, walang nakasaad tungkol dito. Ngunit, hindi dapat natin umano kuwestiyunin ang programa Ng Diyos. Ang Kanyang karunungan ay walang hanggan. Ngunit, marami na ang kumbinsidong may buhay nga sa ibang planeta. May mga files aniya ang Vatican tungkol sa UFO’s na nakatago at hindi hayag sa publiko.

Tungkol sa E.T, naniniwala rin si Balducci na mayroon nito.

May advantaheng teknolohiya sila, palagay ko’y mga espiritu sila. Ang mga anghel sa langit ay masasabing mga E.T na gumagala rito sa ating planeta. Kung anuman ang misyon, layunin, o balak  nila sa pagtungo rito sa earth, hindi natin batid. Hindi pa natin masasabi sa ngayon.” pahayag niya.

Maaaring makaapekto sa ating pananampalataya ang mga misteryong nahahayag na ito sa panahon natin. Ang iba ay nabalag na sa alanganin at pagdududa sa relihiyon. Hindi dapat naman ganun. Anumang misteryo ang nakikita at nababatid natin ngayon sa mundo ay sadyang hindi basta maipapaliwanag ng gayun na lamang. Sa ganang akin, ang mga UFO, E.T at ang misteryo nito sa Vatican ay isang magkaugnay na estado ng relihiyon, siyensiya at himala. Isipin na lang natin na mula sila sa Diyos na tumutunghay sa atin sa lahat ng dako.” pahayag ni Sitchin.

Sa pahayag naman ni Edgar D. Mitchell, ang ikaanim na tao na nakapaglakad sa buwan; sa kanyang liham na ipinadala noong January 2015, (ilang buwan bago siya pumanaw) kay John Podesta, chairman noon ng Hillary Clinton’s presidential campaign, na batid ni Pope Francis ang tungkol sa extra-terrestrial intelligence (ETI).

Pinahayag rin niya kung sino ang nakakaalam pa ng tungkol doon.

My Catholic colleague Terri Mansfield will… bring us up to date on the Vatican’s awareness of ETI,” ani Mitchell sa kanyang sulat.

Inihayag din niya na interesado ang dating U.S First Lady Hilary Clinton na makita ang mga files na tinatago sa Vatican kaugnay sa E.T connection sa Vatican.

“I would like us to go into those files and hopefully make as much of that public as possible,” pahayag ni Clinton.

“If there is something there, unless it’s a threat to national security, I think we ought to share it with the public,” aniya.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne Youtube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here