Utos ni President Duterte: Patayin ang mga armadong rebelde

0
40

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

NANG nakaraan lamang ay ipinatigil nan g Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks o mapayapang pakikipag-usap sa New People’s Army o NPA. 

Nag-alab tuloy ang galit ng mga miyembro ng NPA na naging dahilan ng sunod-sunod na pag-atake nila sa kung saan-saang bahagi ng bansa. 

Noong December 3 lamang ay inatake nila ang istasyon ng pulis sa Misamis Oriental at 4 sa alagad ng batas ang sugatan. Nu’n namang December 2 ang mga hinihinalang mga rebelde rin ang naging dahilan daw  ng pagkamatay ng isang pulis sa Camarines Norte at pito pang sugatang pulis. 

Sa mga nakalipas na taon ay napakarami ng naging pag-atakeng ginawa ang National Democratic Front of the Philippines o NDFP at New People’s Army o NPA. Kaya hindi na nakapagtataka na naubos na ang pasensya ng gobyerno sa kanila. 

“While we are hopeful that more NPAs will surrender in the coming days, our troops on the ground will continue with our relentless operations against them who remain active in their violent and destructive criminal activities against our people in the communities.” Ito ang saad ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Chief Marine Colonel Edgard Arevalo sa kanyang statement.

Prior to the President’s proclamation, we have been actively conducting counterinsurgency operations against the NPA since the peace negotiations broke down in February 4. These violent activities by the NPA seek to falsely project that they are still a force to reckon. There is an ostensible leadership vacuum caused by the death of ranking NPA members in the past months resulting to the decreasing capability of the rebel group.”  

Maging ang Pangulong Duterte ay nagbigay ng shoot to kill order para sa mga armadong rebelde

“So, what will be my orders? Do I shoot them. Eh, they will kill you anyway. So, if there is an armed NPA there or terrorists, if he’s holding any firearms, shoot. And tell any… ako na ang magsagot, you just shut up. Do not answer if that issue of human rights, you say, ‘Go to Duterte. It is and was his order.’ Para tumahimik ka, sabihin mo.” 

Hindi na nakapagtataka na mawalan ng pasensya ang pangulo lalo pa at tila lalo pang ginaganahan ang rebeldeng grupo sa pagkitil ng buhay ng kanilang mga kapwa Pilipino. 

“Itong mga NPA, kawalanghiyaan nila, yung mga sundalo ko pati pulis na pumupunta lang sa kampo, lalabas ng kampo, pasuray-suray lang, hindi naka-uniporme, they are treated like a dog, pinapatay. .. I don’t want to start a real violent war, but if the NPAs, just like the terrorists, would do it, then we will give them the favor.” 

Nakakalungkot na kailangan umabot sa ganitong punto sa pagitan ng gobyerno at CPP-NDFP-NPA ngunit hindi rin naman tama na may mga inosenteng buhay at maging mga kabuhayan ng ating mga kababayan ang kinukuha para lang sa kanilang pansariling dahilan.  

Imbes na isipin ang makakabuti para sa marami, at tulungan ang pamahalaan na maituwid ang isang magandang bukas ay tila sila pa mismo ang nagiging hadlang. 

Nawa ay makamit na natin ang pagkakaisa at tuluyan ng matigil ang karahasang ginagawa ng mga rebeldeng grupo na ito.

 

The opinion of the writer do not necessarily reflect the opinions of PhilippineOne management and its editors.

PhilippineOne is actively accepting articles in Tagalog or English from Filipinos and/or expats living in the Philippines.  Get published today on any subject you feel like writing about. Send your articles to info@philippineone.com with a brief description.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here