Usapang Daan

0
323

edmar recto

Birthdate: January 21, 1955
Birth place: Batangas
Current address: Camella III, Muntinlupa city.
Writer and poet.
Pen name Torex

Latest posts by edmar recto (see all)

Liko likong daan dinadaanan ko,

Sa umaga’t hapon do’n sa aming baryo,

Pag sayad ng paa kung di ka alisto,

Ang dumi ng askal matapakan mo.

(Wala naman akong alagang pusa’t aso,)

Mapapadura ka kahit bawal ito.

 

Sa daang aho’t lusong ay mag iingat ka,

Sa putik at lubak baka madisgrasya,

Sa tag-init naman ating makukuha,

Kapal ng alabok di ka makahinga.

Naka upong lider iyong mamumura,

Lagi bang ganito apat ng decada?

 

At dito sa syudad halos ay ganun din,

Basura’y nagkalat kahit sa’n sumuling,

Pasaway sa batas commuters at drivers,

Illegal na vendors illegal na parking,

Nagsikip ang daan pahirap sa trapik.

Pero ang gagaling sisihin ang Leader.

 

Di ba tayong lahat mayro’ng katungkulan,

Ang ating gobyerno ay dapat tulungan,

Huwag iaasa ang lahat ng bagay,

Gawin ang marapat tahimik ang buhay.

Paano ang bansa magiging tagumpay,

Kung sa simpleng batas tayo ay pasaway.

 

Daan ng Makata na mula bukid,

Nangarap ng gising habang nasa trapik.

Ang kalsadang daan ay dapat mabatid,

Ito’y mahalaga katapat ay langit.

Niyuyurakang daan

ay dapat maisip,

Di matutumbasan ang dulot na gamit.

By edmar recto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here