UP CLOSE AND PERSONAL WITH THE ZIONCHILLERS

Ang ‘The Zionchillers’ ay isang indie artist ( band) sa Pilipinas. Recentlyn nakapag-relased ng album na “Silver Spirit Fantasy” with 5 tracks. So far, they are working to their second album.

Songs:

Hahayaan, Kung Hindi Man, When I Marry You, Do Yah, Kumikislap

Pages:

Facebook: https://www.facebook.com/zionchillers/

Youtube:   https://www.youtube.com/channel/UC7MJx2v02mYmpLJr9YONliA

You can buy and download their song in:

Spotify: https://open.spotify.com/artist/2dFQ6tQh4lA3PZs4gz632Y

Deezer, Apple, I tunes, Amazon.

Members:

Ravenson Biason:          (vocals, guitar)

Julius Caesar Gajasan:   ( lead guitar)

Renato Aricheta:               ( bass/guitar/ vocals 2)

Kasffer Taruc:                   (drums/ beat box/ vocals 2)

Here’s the interview ng isang online radio sa grupo.

AR: Paano kayo nabuo? Kailan nag-umpisa ang hilig n’yo sa musika?Kailan kayo nabuo? Paano n’yo na come-up ang name n’yo?

Bale, nabuo po ang band na ang members ay galing sa ibang band. Si Ravenson Biason ( lead vocals/ guitars ) po ay galing sa bandang “Seventh Jury”. While Julius Gajasan (guitar 1)  and Renren Aricheta (bass)  ay galing sa “ Garden Salad” band, while Kasffer Taruc ( drums ) and Emerson Gorme ( guitar 2) ay galing po sa bandang “ Equilibrium. Bale nabuo po ang band namin na Zionchillers dahil sa collaboration na nabuo po noong Abril 2014.

Dahil sa simpleng kumustahan lang nun, naisipan naming na buuhin ang banda. Sapol po nung maliit pa yung bawat isa sa amin, mahilig na po sa banda. Bale, yung name po namin ay mula sa word na “ Zion” which is means, symbolic term ng church— na ang literally ay hango sa isang lugar o bundok sa Jerusalem. Then, yung word na “Chillers”, gusto naming maging cool yung pakiramdam ng mga makaririnig ng songs namin. We’re also described ourselves na cool and nice individuals. 

AR: Ano’ng mga music ang una niyong tinutugtog? Nagbago ba ito through the years?

Preferred po namin yung type na Pop-Alternative music. Tapos Rock at semi R & B at funk-techno. Nung kabubuo lang po namin, madalas po namin tinutogtog mga songs ng Urbandub, Kamikazee, Eraserheads saka Rivermaya sa local artists. Sa foreign naman, Metallica, Gun’s and Roses, Nirvana. Then, yung mga nabubuo po naming mga kanta, tinutugtog din po namin sa jamming saka ilang gigs. Na hanggang ngayon, kasama pa rin sa repertoire namin kapag tumutugtog. Mostly po kapag may gig kami, una naming tinutugtog ‘yung kanta ng E-Heads o Rivermaya. 

AR: How do you see your band in the future? Ano ang dream gig n’yo?

Siyempre po, gusto rin namin makilala kahit papaano, lalo na yung mga songs namin. Siguro, marami na kaming nagawa at nai-record na songs. Kilala na rin siguro kami sa apat na sulok ng indie scene.Siguro, kilala na rin kami kahit papanao sa Indonesia, Thailand, Dubai at Singapore (joke) ha-ha-ha.  Hopefully, sana makasundot ng kaunti  ng exposure sa mainstream. Dream din po naming maka-collaborate ang ilang music icons gaya nina Rico Blanco, Ely Buendia, Yeng Constantino, Up Dharma Down, Si Jay ng Kamikazee, Parokya Ni Edgar, coach Jungee Marcelo, Pepe Smith, Urbandub, Moonstar 88 at iba pa. Dream gig po namin ‘e makasama sila sa mga music events. Then, makapagfront act sana sa concert ng isang sikat na international artist.

AR: What were your current challenges? How do you think will you overcome it?

‘Yung di pagkakatugma-tugma ng schedule po dahil sa nature po ng work ng bawat isa. Pag pwede ang isa, di naman pwede ang isa o dalawa. Hirap pong pagtugmain ang oras namin para makapag-practice para makatugotg sa mga gigs. Kaya ang siste, pass muna. 2 of our band members po namin ay call center agents. Then yung isa, nagwo-work sa telecommunications company— at the same time, nagda-drive o pumapasada ng Uber. Yung drummer po ‘e nagwo-work as receptionist and waiter sa isang class na hotel in Manila and the vocalist po ay full time writer and artist. Well, nadadaan naman po sa at unawaan. Yung bonding moments po namin ay food trip, tapos doon kami nag-uusap-usap at nagpapahayag ng mga saloobin at nagka-kamustahan.

AR: Who do you look up to (as musician)?

Iba-iba o variety po ang barometer ng musical influences namin. Pero, may mga musicians o artists po kami na pare-parehong nagugustuhan. Like Metallica, Gun’s and Roses, Nirvana, Def Leffard, Goo Goo Dolls, Aerosmith. Sa atin po sa local, Eraserheads, Rivermaya, Kamikazee, Urbandub, Parokya Ni Edgar. Itong mga nabanggit po na mga artists ay malaki po ang impluwensiya kung papaano po kami gumawa ng song at magperform.

AR: Aside from music, may iba pa ba kayong pinagkaka-abalahan?

Marami po. Like na yung iba sa amin ay nagwo-work-out sa gym. Bale concert po kami sa health at figure namin. Kapag po nagpapa-practice kami at pagkatapos nun, naglalaro po kami ng Tekken at iba pang video games sa PSP gaya ng NBA Live. Tapos Dota, ganun po. Kung minsan po sama-sama kami manood ng movies o kaya magmo-movie marathon na lang sa bahay nina Julius. Si Raven po ‘e nagsusulat sa newspaper at nagka-cartoonist. Tapos, nagko-cover din ng ilang games gaya ng basketball at volleyball. Bale sumasideline din bilang vouncer sa music events si Kasffer at Raven. Nagre-record din po kami ng boses namin na parang newscasters na nagpapatawa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here