UNFORGIVENESS – MAY EPEKTO SA KALUSUGAN (PART 1)

0
203

Isa sa mga topic na natalakay ko sa aking mga akda (romance pocketbook) ay ang unforgiveness. Hindi ko akalain na ang isa kong mambabasa ay matagal ng alipin ng emosyong ito. Nagpadala siya sa akin ng mensahe at nagpasalamat ng labis dahil nang mabasa niya ang aking akda, siya ay nagkaroon ng kaluwagan ng dibdib. Nagawa niyang mai-deal ang unforgiveness na matagal na raw niyang kinimkim at nagawa niyang patawarin ang taong nakapanakit sa kanya.

Marami sa atin ang nalagay o kasalukuyang nasa estado ng HINDI PAGPAPATAWAD dahil sa sobrang nasaktan tayo ng isang tao. Maaaring ito ay asawa, kapamilya, kaibigan, kapit-bahay, kasamahan sa trabaho o sinumang tao na napalapit sa atin. Katulad ng galit, ang hindi pagpapatawad ay maaari ring itago sa dibdib sa matagal na panahon. Lingid sa taong alipin ng damdaming ito, ang kanyang kalusugan ay nalalagay sa panganib kapag ito ay hindi niya nagawang paglabanan o mapagtagumpayan. 

Ang hindi pagpapatawad ay bunga ng isang matinding mali o offense na nagawa ng isang tao laban sa isang tao. Dalawa ang kasangkot dito. Ang NANAKIT at ang NASAKTAN. Sa isang sitwasyon, maaaring ang nanakit at nasaktan ay parehong magkaroon ng unforgiveness sa kanilang puso.  Natural sa isang taong nasaktan ang magtanim ng sama ng loob para magkaroon ng unforgivenes sa kanyang puso.

Subalit kung ang nanakit ay siya pang may ganang magalit at siya pang nagtanim ng sama ng loob sa sinaktan, higit na malaki ang problemang kakaharapin nito sa sarili. Pride ang nag-uudyok sa isang tao para hindi magpakumbaba at humingi ng tawad sa taong nasaktan. Ang taong ang tingin sa sarili ay perpekto at hindi nagkakamali ay karaniwang ganito ang asal. 

Ang hindi pagpapatawad ay isang malaking pakikipaglaban sa umiiral na emosyon ng isang tao kung saan ay nagiging sarado ang isip at puso sa pagpapatawad at pagkakasundo. Pero alam ba ninyo na ito ay may ‘side effects’ sa ating kabuuan bilang tao, lalo na sa ating kalusugan. Bakit?

  • Kung dati ka ng may hypertension, may tendency na palaging  mataas ang BP mo.
  • Kung dati kang may sakit sa puso, maaaring palalain nito ang sakit mo.
  • Pwede kang ma-depress, ma-stress at magkaroon ng anxiety. Pag nagkaroon ka nito, lalong makakasama ito sa kalusugan mo na kasalukuyan nang ginagamot.
  • Hindi ka makatulog ng maayos dahil palagi mong naiisip ang taong nakasakit sa iyo. Posibleng sumakit rin ang dibdib mo palagi.
  • Kung ikaw ay nasa pakiramdam na masaya, hindi kumpleto ang saya mo dahil may isang bahagi sa  puso mo na mabigat dahil sa hindi pagpapatawad.
  • Kung wala kang karamdaman, maaari kang magkaroon, dahil wala kang katahimikan sa puso at isip. Ang taong may nakatagong galit at sama ng loob at ayaw magpatawad,  ay walang kapayapaan at maaaring magkaroon ng sakit sa puso, alta-presyon, diabetes, panghihina ng resistensiya at insomnia. Maaari ring magkaroon ng mataas na libel ng depresyon 

Sadyang mahirap magpatawad lalo na at matindi ang naranasang sakit. Hindi ito madaling gawin at hindi magagawa ng overnight. Ang unang-unang dapat ayusin ay ang sarili upang maging handa sa pagpapatawad. Kung minsan, umuubos ito ng maraming taon bago maisagawa. Ang mahalaga, maramdaman ng ayaw magpatawad, na nakahanda siyang tanggapin ang paghingi ng kanyang kapatawaran ng taong nakasakit sa kanya kung ito ay hihingi ng tawad.  O kaya ay pinatawad na niya ito kahit hindi pa humihingi ng kapatawaran ang nakapanakit sa kanya. 

Kahit na anong galit o sama ng loob, dapat may expiration date. Hindi dapat pang-forever. Hindi natin hawak ang ating buhay. Maaaring mamya, bukas o sa anumang oras, bawian tayo ng buhay nang hindi tayo nakahanda. Tatapusin ko ang artikulong ito sa isang talata sa biblia

 Kung hindi kayo magpatawad, hindi rin kayo patatawarin sa inyong mga pagsalansang ng inyong Amang nasa langit.

Marcos 11:26 Ang Salita ng Diyos (SND)

Abangan ang karugtong. f

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here