Ultimate Guide: Pag-aaply sa mga AGENCY HIRE (Recruitment Agencies)

Mahirap ang buhay. Para sa mga taong madalas walang choice sa buhay at sa pagtatrabaho, at sa mga nangangarap maakahon mula sa pagkakalugmok sa Pilipinas, ang ilan sa atin ay mas pinipili na magtrabaho na lamang muna sa ibang bansa at makaipon, bukod sa iba’t ibang benepisyo at sahod na natatanggap nila ay marami ring bukas na oportunidad sa kanila.

OFW o Overseas Filipino Worker, iyan ang tawag sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa. Kung nais o kinakailangan mo na maging OFW, maraming bagay ang dapat mong malaman at maunawaan  lalo na sa pangangalap ng mga hinihinging papeles.

Una sa lahat, kinakailangan mong malaman na may dalawang paraan para maging isang OFW. Isa rito ay ang pag-aapply sa mga direct hiring na programa at ang isa naman ay sa pamamagitan ng mga ahensya. Magkaiba ang proseso at mga hinihinging papeles ng bawat isa.

AGENCY HIRE

Sa mga mas nais naman na may assistance at mapabilis ang pagpoproseso ng kanilang aplikasyon, para sa inyo ang AGENCY HIRE o mga recruitment agencies. Bagama’t madalas napakaraming illegal recruiter at mga scammer, kung hindi ka mag-iingat at maninigurado ay paniguradong ikaw rin ang kawawa sa huli. Para malaman ang mga katangian ng isang legit o POEA accredited manpower agency, maaari mong bisitahin ang website ng POEA – www.poea.gov.ph.

Samantala, sa baba naman ay makikita mo ang mga pangunahing requirements na hihingin sa iyo ng recruitment agency. Sa kabuuan, ang mga requirements, papeles at mga dokumento ay dumedepende pa rin sa iyong agency, sila ang magsasabi ng mga karagdagan at ito’y depende rin sa employer sa bansang destinasyon.  

  • 2×2 picture (depende sa agency kung anong ipadadagdag at sukat ng iba pang larawan na kailangan)
  • Certificate of employment (from previous employers)
  • CV Resume o Bio-data
  • Diploma (High School or College)
  • Employer contract
  • Marriage contract (if applicable)
  • Medical Clearance Certificate
  • NBI clearance
  • NSO-authenticated birth certificate
  • Passport (valid for at least six months)
  • Professional license (if applicable)
  • Training/Board Certificates
  • Transcript of Records

Paano ang pag-proseso?

  1. Dumalo sa seminar na kung tawagin ay PEOS o Pre-Employment Orientation Seminar. Ito ang pinaka-unang dapat mong gawin sapagka’t dito mo madedetermina kung nasa tamang landas ka ng tatahakin o tatrabahuhin sa ibang bansa o bansang destinasyon mo. Samantala, maari ka ring mag-take ng seminar sa pamamagitan ng online. I click lamang ang link na ito. PEOS
  2. Pumili ng recruitment agency, dito mo kinakailangang maging mapanuri at matalino. Sapagka’t kung gaano karami ang aplikante, ganun rin ang dami ng mga mangloloko o scammer, mga illegal recruiter. Kinakailangan na under ito ng POEA para sigurado rin na legal ang proseso ng iyong aplikasyon.
  3. Ihanda ang mga nakolektang personal na dokumentos at ihanda rin ang iba pang papel na hinihingi ng iyong recruitment agency.
  4. Bayadan ang iyong application fee. Dahil ahensya ang magpoproseso ng aplikasyon mo, kinakailangan mong magbayad ng karampatang halaga para sa pagtuloy ng aplikasyon mo.

Fees: POEA Processing Fee: US$100.00 ,Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Membership Contribution: US$25.00, PhilHealth Contribution: ?2,400.00, Pag-IBIG Contribution: ?300.00 (for three months)

  • Daluhan ang PDOS o Pre-departure Orientation Seminar. Bawat aplikante ay kinakailangang dumalo sa PDOS, counseling ito o kung saan kayo ay iimpormahin tungkol sa mga regulasyon, batas, custom at tradisyon na meron sa bansang pag-tatrabahuhan ninyo. Matapos ito ay aabutan kayo ng certification na kung saan ay hahanapin sa inyo ng POEA.
  • At kung matagumpay ka sa pagsumite ng mga kinailangan mong papeles at datos, maaari mo ng kuhanin ang iyong OEC o Overseas Employement Certificate, at maaari ka ng magtrabaho sa bansang napili o inapplyan mo.

Kung iisipin ay mahaba ang prosesong ito pero kung ito’y mapagtatagumpayan mo, libo libong oportunidad ang naghihintay para sayo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here