Ugaliin ang paglalagay ng asin sa mga lugar na ito

Alam natin na napakaraming pakinabang ng asin. Isa ito sa mga kilalang mabisang pantaboy ng mga bad o negative energy sa buhay at sa tahanan. Kaya ngayon ay ituturo kung paano pa natin ito magagamit at saan dapat tayo naglagay nito.

Araw araw ay maglagay ng Asin sa inyong mga doormat sa ilalim nito, Kung sino sino ang pumapasok sa ating tahanan at hindi natin alam kung may dala dala siyang negative energy na maaaring magdulot ng pagbigat ng takbo ng ating pamumuhay. At kung minsan naman lumalabas tayo at hindi maiiwasan na makasagap tayo ng negative energy.

Maagapan natin itong makapasok sa ating tahanan sa pamamagitan ng paglalagay ng asin sa ilalim ng ating doormat.

 Gawin ito sa umaga at palitan din kinabukasan ng umaga.itapon sa toilet ang pinagpalitan.

Ugaliin din ang paglalagay ng asin sa lugar ng inyong tahanan kung saan ramdam mong mabigat sa inyong pakiramdam.

Ilagay mo sa isang babasagin na mangkok o garapon.

Upang maiwasan naman ang mga inggitira maglagay ng asin sa bowl punuin mo lagay ng bawang sa taas ng asin at isang pirasong barya na nakaharap sayo.

Ilagay ito sa inyong altar.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here