UFO, NAMATAAN SA AIRPORT NG MONGOLIA!

Sa ikatlong pagkakataon ngayong taon, isang UFO ang napaulat sa China na pansamantalang namataan sa isang airport sa Baotou sa Inner Mongolia. Ito ay nagresulta sa pagkakaantala ng paglapag ng tatlong eroplano ng halos isang oras.

Ang China’s Xiaoshan Airport ay nagsara ng ilang araw noong nakaraang Hulyo 2010  dahil sa isturbong presensiya ng UFO na naglilibot sa himpapawid. Isa pang sightings ang napaulat tungkol dito nitong nakaraang tag-araw sa Hongkong.

Karaniwang ang namamataan ang UFO kapag alat otso na ng gabi, mga 4 na kilometro sa silangan ng Baotou airport. Dalawang flights, isa sa Beijing at isa sa Shanghai ang nakapagbigay ng alalahanin sa karatig na airports nito.

Nakatanggap ng notice ang mga naturang airport sa Hohhot Air Traffic Management Bureau tungkol sa paglitaw ng UFO upang masiguro ang seguridad, kailangan lumapag ang eroplano sa secondary airports sa halip na  talagang lalapagan nitong airport. Ang naturang sasakyan ay namataang patungo sa airport at maaaring lumapag kahit saang dako. At kung hindi naman, maaaring magbunga ito ng pagbangga sa mga eroplanong nakatakdang lumipad dahil sa flight schedules. Kung kaya sinabihan muna naming sila na ikansela ang flights,” pahayag ng spokeswoman ng Baotou airport.

Ayon naman sa iba, naniniwala sila na ang UFO’s sightings sa dalawang paliparan ay maaaring konektado sa Chinese military aircraft. Ang problema ay walang makakapagsabi ng ganoong kasiguruhan. Ang naiwang bakas ng naturang kakatwang sasakyan ay ang makapal na usok na bumalot sa paligid ng paliparan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here