Review: Vice Ganda, Napaiyak Sa Miss Q & A

0
595
Review: Vice Ganda, Napaiyak Sa Miss Q & A

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Ang bibigyan natin ngayon ng TV review ay  isa sa mga segment ng It’s Showtime  na inaabangan ko ay ang Miss Q & A. Super laugh kasi ako sa segment na ito dahil kay Vice Ganda.  Magaling siyang mang-okray ng mga kapwa bading. Kahit simpleng salita ay maitatawid talaga niya ang punchline. Bet na bet ko rin ang tambalan nila ni Jaki Gonzaga. Kung si Kim Chiu ay anak kuno ni Vice na tutol sa pagmamahalan nila ni Jaki, si Bella Padilla naman ay tila isang jealous ex. Nakakaaliw at hindi biro ang kilig na ipinaparamdam nila sa madlang pipol. Sa kabila ng pagiging gay ni Vice ay iba pa rin ang kuryenteng hatid ng tambalang ViceKie. Sigurado ako na marami na rin diyan ang umaasam na sana ay naging lalaki na lang si Vice para magkaroon ng katotohanan ang team up na ito.

Review: Vice Ganda, Napaiyak Sa Miss Q & ASa gitna ng biruan nina Vice Ganda at Bella Padilla tungkol sa kanilang mga heartaches dahil sa kanilang mga exes, ay nagulat si Bella nang makita ang luha sa mata ni Vice. Sa TV review na ito ay masasabi kong  idadaan ni Vice Ganda sa biro ang hindi napigilang pagpatak ng luha. Pero, deep inside ay mukhang tinablan ito sa pag-eemote ni Bella. Pareho daw silang single at parehong sad ang lovelife. Nang tanungin ni Bella si Vice na “Bakit ika mweron ka ba?”  emote na emote na sumagot si Vice, “Paano ako magkakaro’n, e yung naiisip ko yung dati pa rin na nandodoon, pag sinabi mo bang huwag mo nang isipin di mo na maiisip? E, di ba hangga’t sinasabi mong wag mo nang isipin lalo mong naiisip, kahit sabihin mong ayaw mo na pero gusto mo pa, kahit sabihin mong ang sakitsakit na pero nasasarapan ka pa, kahit sabihin mong tapos na pero  meron pa, kahit sabihin mong wala na pero nandiyan pa…” at doon na nga tumulo ang luha ni Vice Ganda.

Sa gitna naman ng kanyang pagbibiro ay nakapulot ako ng magandangReview: Vice Ganda, Napaiyak Sa Miss Q & A linya  “Huwag ka magsulat ng pangalan sa buhangin, dapat sa puno, para masabayan mo ang pagsibol nito.”

Matapos umiyak ni Vice Ganda ay napaiyak din ang contestant number 3 na si MJ Blas nang sagutin niya ang tanong kung ano na ang mga achievements niya sa buhay sa edad na 19. Sagot ni MJ, achievement niya ang pagtulong sa pamilya at naiyak siya dahil natupad ang pangarap niyang makita sa t.v. at makaharap si Vice Ganda. Nakakahanga din si MJ sa naging sagot niya nang tanungin siya ni Vice Ganda kung ano ang kanyang wish kung birthday niya ngayon, ang wish ni MJ ay para sa kapatid na idol na idol si Vice Ganda, na katunayan ay may 234 videos ni Vice na paulit-ulit nitong pinapanood, at ang wish niya ay makaharap din nito si Vice.

Matapos ang makabagbag damdaming moments sa Miss Q & A, sa huli ay wagi pa rin si Marky Sagum sa tanong na “Magagalit ka ba kung hindi ka pinopost ng karelasyon mo sa social media?” . Siguradong bet nyo rin sagutin ang tanong na yan. Lahat naman ng tanong sa Miss Q & A ay makabuluhan kahit pa ang iba ay idinadaan ito sa biro. Abangan pa natin kung anu-anong tanong pa mula sa Miss Q & A ang magpapaiyak at magpapatawa sa ating mga madlang pipol at siyempre para muli natin itong ma-TV review.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here