Tunghayan ang Chinese Horoscope June 15

0
535

Madame Winn

Ako'y 50 taong gulang na ngunit kayang-kaya ko pa ring mabasa ang sinasabi ng iyong kapalaran. Hangad ko ang kaligtasan at kalusugan ng sinumang magbabasa ng Chinese Horoscope natin.

Latest posts by Madame Winn (see all)

Tunghayan ang Chinese Horoscope June 15.

 

Daga (Rat)

Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo sa pagtatrabaho. Kailangan mo rin namang magpahinga. ‘Yan naman ay kung gusto mong magkaroon talaga ng magandang buhay. Kung palagi kasing trabaho ang atupagin mo, mari kang magkaroon ng matinding karamdaman.

 

Baka(Ox)

May pagkakataon na ang mga taong itinuturing mong kaaway ay siya pang tutulong sa’yo sa oras ng iyong pangangailangan. Kaya, huwag kang masyadong mayabang. Magiging dan ‘yan para ikaw ay mapahiya. Huwag mo naman gustuhing mangyari iyon.

 

Tigre (Tiger)

Ipakita mo sa mahal mo kung gaano mo siya kamahal. Kung nahihiya kang sabihin sa kanya, gawan mo siya ng tula. Tiyak na siya ay kikiligin. Tiyakin mo lang na ang bawat katagang ibubulalas mo ay nagmumula sa’yong puso.

 

 

Kuneho (Rabbit)

Kung nandiyan ang taong mahal na mahal mo, ibigay mo ang buo mong atensyon sa kanya. Kalimutan mo muna ang pagsi-cp o pagtsa-chat. Masuwerte ka sa kulay na paborito mo. Kung ano ‘yon, tanungin mo ang iyong sarili.

 

Dragon

Huwag mong kalilimutan ang mga taong nandiyan sa tabi mo nu’ng nangangailangan ka. Ikaw din naman kasi ang kawawa. Paano kapag muli kang nangailangan? Ngayon pa lang, sinasabi ko na sa’yong siya lang ang tatakbuhan mo.

 

Ahas (Snake)

Mag-enjoy ka sa kung ano ang mayroon ka. Huwag mo hayaang sayangin mo ang iyong kabataan. Mapalad ka sa numero 1. ‘Yan kasi ang magbibigay sa’yo suwerte.

 

Kabayo (Horse)

Kapag lagi kayong nagkikita at nagkaka-usap, siguradong hindi lang ordinaryong pagkakaibigan ang magiging relasyon ninyo. Magigising kayo isang araw na iisa na ang tibok ng mga puso ninyo. Matutuwa ka ba? Tanging ikaw lamang ang nakakaalam. Basta, kailangan ay lagi kang happy para pasukin ng suwerte ang iyong buhay.

 

Tupa(Sheep)

Hindi lahat ng kasalanan ay mapagtatakpan. Darating ang araw na malalaman din ng lahat ang katotohanan. Kaya, ngayon pa lang ay pag-isipan mo na magsisinungaling ka pa. Hindi ka rin naman kasi patatahimikin ng iyong konsensiya.

 

Unggoy (Monkey)

Huwag mo na lituhin pa ang iyong sarili. Basta kung anong nararamdaman mo, sabihin mo na. Mapalad ka sa kulay pink.

 

Tandang(Rooster)

Ito ang the best day para magkaroon ka ng maraming suwerte. Maging masaya ka lang palagi at bubuhos sa’yo ang magagandang kapalaran. Mapalad ka sa kulay pula.

 

Aso (Dog)

Hindi mo pa nagagawang patawarin ang sarili mo sa mga kasalanang nagawa mo kaya ngayon ay sobra kang nangangamba na magkamaling muli. Move on. ‘Yan lang ang paraan para maging masaya ka.

 

Baboy(Pig)

Wala kang problema sa materyal na bagay. Ang suwerte ay bumubuhos lang sa’yo na para bang naliligo ka sa ulan. Gayunman, hindi ka pa rin masaya. Ang dahilan, wala ka pang partner. Kung inakala mo na kailangan mo siyang hanapin, nagkakamali ka. Ang kailangan mo lang, hintayin siya.

 

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope June 15.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here