Tumingin Lagi Sa Mata ni Partner Para Makuha Ang Kanyang Tiwala

Eyes are the windows to the soul, siguro naman at alam na alam mo ang mga salitang ‘yan kaya huwag na huwag mong kalilimutan kahit na mayroon ka ng asawa.Dapat nga ay mas itanim mo ‘yan sa isip mo kung talagang gusto mong maging happy kayo palagi. Napakaimportante kasi ang katapatan sa inyong relasyon

Hindi man kayo magkasama beinte kuwatro oras pero  kapag nasa iisang bahay na kayo, importanteng alam ninyo ang nangyayari sa isa’t isa. Magkuwentuhan kayo.  Lahat ng nangyayari sa trabaho mo, kundi masyadong confidential, sabihin mo sa kanya. Pati na rin kung paano  ka pakitunguhan ng iyong mga kasamahan. Huwag na huwag kang magtatago ng sikreto sa kanya dahil dyan magsisimula ang pagkasira ng inyong relasyon.

Kaya nga kapag nag-uusap kayo ay nararapat lamang na nakatingin ka sa kanyang mga mata para malaman din niyang wala ka namang tinatago sa kanya. Kahit naman magsinungaling ka, sigurado akong mahahalata din ng partner mo ang iyong pagsisinungaling lalo na’t palagi mong iniiwas ang iyong mga mata. Ibig lang kasing sabihin nu’n ay may itinatago ka sa kanya.

Sa pagsisinungaling naman, hindi ang partner mo ang iyong niloloko kundi ang iyong sarili. Saka,  walang lihim na hindi nabubunyag, ang lahat ng kasinungalingan ay malalaman din ng iyong partner. Sa pagdating ng panahon na iyon, ihanda mo na rin ang iyong sarili dahil baka pati ang relasyon ninyo ay magwakas. Napakahirap naman kasing pagkatiwalaan pa taong nagsinungaling sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here