Tulong para kay Hazel Ramos, ibigay na…

0
344

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Mga katsismosa, kamusta na kayo? Ako hindi masyadong okay. Hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang loob ko. Paano naman, hindi ko man personal na kilala itong si Joanna Daniella Demafelis, taga-Iloilo rin siya. Ibig sabihin, kababayan ko siya. Kaya naman, nang mabalitaan ko ang nangyari sa kanya, parang nilamutak ang puso ko. Kung hindi ko nga naawat ang aking sarili, napahagulgol na ako.  

Siguro dahil ilang buwan na rin naman akong nagsusulat kaya feeling ko, tunay na writer na ako. Nagagawa ko ng ma-imagine ang sakit na kanyang pinagdaanan. Biro n’yo mga ka-tsismosa, marami na siyang pasa, sugat-sugat na ang kanyang katawan tapos bale pa ang kanyang hipbone. At pagkaraan, inilagay siya sa ref kaya ang dahilan ng kanyang kamatayan ay internal bleeding. 

Mahirap ang buhay sa abroad kaya naman sana ay hindi na masundan pa ang sinapit niyang kamatayan, ngunit, paanong mangyayari iyon kung hindi naman tayo kumikilos para makatulong sa mga taong humihingi na ng tulong. May mga ahensiya naman kasi na maaari sanang lapitan pero parang masyado silang abala na tumulong. Kaya naman kung kaya mo rin lang na tumulong gawin mo na. 

Paano? Tiyak ko na ang salitang lalabas sa’yong bibig. Kaya naman sasagutin na rin kita. Kahit naman kasi ang mga trabahador ay masyadong abala sa kanilang gawain, may pagkakataon pa rin silang makapag-FB. Kaya nagagawa rin nilang ibalita kung ano ang nangyayari sa kanila tulad na lamang ng hinaing nitong si Hazel Ramos.  

Inirereklamo niya ang amo niyang babae na sinasaktan siya. Nagalit daw ito sa kanya dahil nagnakaw daw siya ng alahas pero hindi daw totoo iyon. Ang anak naman daw nito talaga ang nagtago noon sa bag ng bata. Pero hindi naniwala sa kanya kaya sinampal siya hanggang sa dumugo ang kanyang ilong. Tapos hindi pa doon natapos ang paghihirap niya dahil pati ang amo niyang lalaki ay itinutulak at sinampal din siya ng limang beses dahil sa nawawalang credit cards na ang among babae lang naman daw ang nagbibitbit.  

Kaya naman sana ay huwag na nating isnabin ang panghingi ng tulong ni Hazel Ramos. Huwag na nating hayaan pang may sumunod kay Demafelis dahil hindi dapat. Hindi natin dapat na hayaan ang dayuhan na saktan ang mga OFW. Aba’y sila na nga itong nagpapakahirap sa pagtatrabaho tapos nagagawa pa silang saktan. Hindi naman tama iyon. Kaya, sana naman ay matulungan na ng mga ahensiya at gobyerno itong si Hazel Ramos. Huwag na nating hayaan na maulit pa ang malupit na kamatayang sinapit ni Demafelis.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here