Tula: Kung Walang Pag-ibig

0
494

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Isang tag-init, ikaw ay dumating sa buhay ko

Puso ko’y binihag mo, ako’y umibig sa’yo

Pangarap ko’y ikaw, bulong ng puso ko

Ngunit di naglaon, ako’y pinaluha mo

 

Labis akong nalungkot, iya’y dahil sa’yo

Tuwina’y nagtatanong, bakit nangyari ito

Gayong ang puso ko’t dangal, lahat alay sa’yo

Batid ng maykapal, tanging ikaw ang mahal ko

 

Ngayong wala ka na’y nais kong ipinid

Ang puso kong baliw na nagtutumangis

Sa mundong kay panglaw, nais kong tumalilis

Kung walang pag-ibig, buhay ay walang tamis…

More Poems

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here