Tula #3: Ako ay Pilipino…Sa isip, Sa Salita, Sa Gawa

0
654

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sakaling ang langit ay tuluyang di mamasdan

Pati yaong ilog, dagat at kabundukan

At di man matanaw ang araw sa silangan

Luha’y di papatak, di man lang magdaramdam…

 

Kahit pa di maulinig, yaong ibong umaawit

At di na mahagkan ang rosas na marikit

Maging itong hangin, sa akin ma’y ipagkait

Dibdib ay di sasakit, walang madaramang pait…

 

Pumanaw man ako, puso’y maligaya

Sapagkat sa lupa, abo ko ay sasama

Sa lupang dinilig ng dugo at pagsinta

Ni Gat Jose Rizal at ng ibang bayani pa…

 

Para sa sinta kong lupang tinubuan

Para sa kapayapaang hangad niyang makamtan

Buhay ko’y ibibigay, kung kinakailangan

‘Pagkat ang paglingkuran siya’y aking katungkulan.

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Tula

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here