TRIBYA

0
153
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Latest posts by Ravenson Biason (see all)

KAPOTE NA SUMASALA NG ULAN

Ang Raincatch ay in na in sa London na kapag panahon ng tag-ulan. Tiwala ang mga gumagamit ng naturang kapote na ang nasalang tubig ulan ay ligtas inumin kahit na nanggaling pa ito sa himpapawid. Di tulad ng dati, ilang rehiyon sa mundo na ang tubig ulan noon ay pupuwede mong inumin. Pero sa kasalukuyang panahon na matindi na ang polusyon, lubhang mapanganib nang inumin ang tubig ulan kapag hindi ito dumaan sa purifying process.

Ang patok ngayon na kapote ay imbensiyon ng dalawang CIID students na sina Hyeona Yang at Joshua Noble. Ito ay napapasakan ng ilang tubes o tubo at itinatago ang complex water purifying mechanism. Ang collar ng Raincatch ay sumasahod ng tubig ulan na dumadaan naman sa charcoal filters at ng chemical purifying system. Pagkatapos na masala at dumaan sa purification process, ang tubig ay nakaimbak sa bulsa ng kapote na nasa bandang balikat at maaring sipsipin ng may suot nito ang tubig sa pamamagitan ng plastic tubes.

BUWAN NG JUPITER, NABABALUTAN NG ASIN

Inihayag ng mga siyentipiko kamakailan na ang buwan ng planetang Jupiter na “Europa”— ay malamang na kahalintulad ng karagatan ng earth ang dagat nito. Gayunman, mas marami aniyang naka-depositong asin ang dagat ng Europa. Sa palagay pa nga, halos mabalutan ng asin ang karagatan ng naturang buwan.

Ang pagkatuklas na ito ay nahayag gamit ang Hubble Space Telescope Imaging Spectograph (STIS) instrument. Na kung saan ay na-detect na dahil sa gabultong asin sa anyong tubig ng Europa, halos natatakpan na ang buong buwan ng asin. Sa ibang resulta, na-detect naman ng Voyager ng NASA at Galileo spacecraft ang presensiya ng malaking deposito ng asin sa Europa. Na noong una ay pinalalagay na magnesium sulphate-based, sa halip na sodium chloride.
“No one has taken visible-wavelength spectra of Europa before that had this sort of spatial and spectral resolution,” saad planetary scientist at lead study author Samantha Trumbo.

HAYOP NA MARUNONG DING MANGHULI NG ISDA

Sa loob ng maraming taon, inakala na ang kinakain lamang ng lobo ay yaong mga hayop sa katihan na gaya ng usa. Gayunman, ayon sa Vancouver Sun ng Canada, ang mga lobo na naninirahan sa maulang kagubatan sa kahabaan ng gitnang baybayin ng British Columbia ay napansing kumakain din ng mga tahong, halaan, taliptip, at maging salmon —“kasindami ng 20 sa isang oras.”

Patagô silang nagbabantay sa isda, at pagkatapos “sa isang mabilis at nakamamatay na galaw, lumulukso at sumusunggab ang mga ito sa tubig,” anupat 4 na ulit silang nakahuhuli sa bawat 10. Subalit, nagtataka ang mga mananaliksik kung bakit ulo lamang ng salmon ang kinakain ng mga lobo. Sinasabi ng mananaliksik na si Chris Darimont na baka nasa ulo ang mas nagugustuhan nitong sustansiya o baka may nakapipinsalang mga parasito ang katawan ng salmon. “Ang mga lobong ito ay patuloy na nakalilito sa amin. Pinag-iisip ako nito kung ilan pang mga hiwaga mayroon sa maulang gubat,” ang sabi ni Darimont.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here