Trending: “Di Lahat” song by Donnalyn Bartolome

743

Nito lamang June 12, 2019 ay naglabas ng bagong music video si Donnalyn Bartolome na pinamagatang “Di Lahat”, at tunay namang napakaganda at nakakabilib ang mensaheng ipinararating ng kanta gayun na rin ang content ng music video nito. Iba’t ibang naggagandahang babae ang na-feature sa video kabilang na ang mga kilalang artista, mga kaibigan ni Donalyn at ilang mga youtubers. Nariyan sina Sue Ramirez, Sofia Andres, Loisa Andalio, Nadine Lustre, Alex Gonzaga, Yassi Pressman at ang nag iisang Anne Curtis.

Kasama rin rito ang nag trending na si Jelai Andres kung saan marami ang sa kanya’y humanga bilang isang strong independent woman matapos ang naging isyu ng asawa nito na tunay namang naging dahilan ng pagkakaroon niya ng depression at ang tuluyan niyang pagbangon

Samantala ay makikita rin ang ex-girlfriend ni Skusta Clee na si Zeinab Harake at iba pang babaeng magpapakita sa atin kung gaano tayo katatag na mga babae. Ipinararating ng kanta sa atin ang ibang henerasyon ng pakikipagrelasyon at gayun na din ang dahilan kung bakit naghihiwalay ang dalawang taong magkarelasyon na pumapatungkol sa “cheating o pandadaya” sa karelasyon

Hindi naman dahil puro babae ang na-feature sa video ay ibig sabihin na agad na puro lalaki lamang ang manloloko, ang ipinararating lamang sa music video ni Donnalyn ay kahit gaano pa kaganda ang isang babae, kung minsan ay nagagawa pa rin itong lokohin at hindi porke maganda ang isang babae ay manloloko na kaagad.

Ang tanging aral lamang para sa ating lahat ay kung mahal mo ang isang tao ay hindi mo iisiping magloko rito. Kahit kailan ay hindi mo masasabing mahal mo ang isang tao pagkatapos ay niloloko mo naman. Hindi pagmamahal ‘yun. At sana’y iwasan na ang pagiging mapanghusga sa kung anumang estado o katayuan ng tao sa buhay, mapababae man o lalaki.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here