Top 5 Na Pangregalo Ngayong Valentines Para Sa Kalalakihan

Kadalasan, babae ang siyang binibigyan ng regalo tuwing sasapit ang Valentines day. Pero may mga babae rin na siyang nagbibigay naman ng regalo para sa kanilang mahal na kabiyak. Kung isa ka sa mga babaeng mahilig magbigay ng regalo, narito ang top 5 na mapagpipilian mo maliban sa pagmamahal, panahon at pera na gusto ng lahat.

1.CELLPHONE

Sino nga ba ang hindi gugustuhin na magkaroon ng bagong cellphone?  Lalo na kung ang cellphone niya ay lumang luma na at hindi na updated, ito ang the best na maibibigay mo sa man of your life. Siguradong hindi niya ito itatanggihan at ikatutuwa niya ng sobra. Kailangan lang ay may sapat kang pera para rito at hindi inutang lang.

2.SAPATOS

Isa sa kinahihiligan ng mga kalalakihan ay ang sapatos. Marami sa mga lalaki ang nagongolekta ng mga sapatos kaya kung ito ang maiisipan mong iregalo sa kanya ngayong araw ng mga puso ay hindi ka mabibigo na makita ang ngiti sa kanyang mga labi. Siguraduhin mo lang na bet niya ang brand at tama ang size na mabibili mo.

3.PITAKA

Marami sa mga lalaki ang wala ng panahon para bumili pa at palitan ang kanilang wallet. Yung iba dahil itinuturing nila itong suwerte sa kanila. Pero kung ito ang ibibigay mo sa kanya at lalagyan mo na lang ng pampasuwerte sa loob ay tiyak na hindi niya ito tatanggihan.

4.SINTURON

Ang sinturon ay isa rin sa mga bagay na madalas bilhin ng mga kalalakihan. Ang iba sa kanila ay nangongolekta rin nito. Lalo na kung maganda ang tatak. Kaya naman pwede mo rin itong isama sa mga the best na mapagpipilian mong ipangregalo.

5.RELO

Time is gold. Kaya naman importante rin ang relo sa mga lalaki lalo na yung mga workaholic at mahilig mag-overtime. Kadalasan ay hindi na nila namamalayan ang paglipas ng oras dahil sa sobra nilang kaabalahan.Kaya kung ito ang ibibigay mo sa kanila ay para mo na ring pinaalala ang kahalagahan ng oras hindi lamang para sa trabaho kundi para na rin sa kanilang sarili at pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here