Top 5 na Pangregalo Ngayong Valentines Para Sa Kababaihan

Bukod sa pagmamahal,pera at panahon na pinakamagandang regalong maibibigay natin sa mahal natin sa buhay, may iba pa tayong pwedeng ibigay sa kanila na ikatutuwa nila. Narito ang lima sa mga ito.

1.CELLPHONE

Dahil sa dami ng kapakinabangan ng tao sa cellphone, meron pa kayang babae na hindi gugustuhing makatanggap ng cellphone lalo na kung ito ay new model? Malamang mahalikan ka niya sa tuwa kapag ito ang naisipan mong ibigay sa kanya. May kamahalan nga lang kaya kung ito ang mapipili mo ay siguraduhin mo na may sapat kang ipon para ipambili nito.

2.BULAKLAK

Sino ba naman ang babae na hindi gustong makatanggap ng bulaklak? O baka kahit ayaw niyang makatanggap ng bulaklak, sa oras na may magbigay sa kanya nito ,sa aminin man niya o hindi ay mapapangiti rin siya nito. Dahil talaga namang masarap sa pakiramdam ang makatanggap ng bulaklak.

3.BAG

Napakarami na ring kababaihan ang nahuhumaling ngayon sa iba’t-ibang uri ng bag. Yung iba pa nga ay sadyang nangongolekta nito. Kaya kung ang iyong kabiyak ay alam mong mahilig sa bag, ito ang the best na pwede mong ibigay sa kanya ngayong araw ng mga puso.

4.ALAHAS

Isa pa sa kinahihiligan ng mga babae ay ang alahas. Singsing, kuwintas, bracelet at hikaw. Isa kasi ito sa nakakadagdag sa kanilang kagandahan. Tila may mahika ang isang alahas para sa isang babae lalo na kung ito ay nanggaling sa mahal nila sa buhay, nagiging makahulugan ito sa kanila. Kaya naman ang singsing ay ginagamit sa kasal dahil simbolo ito ng pag-iisang dibdib ng dalawang taong sa isa’t-isa’y umiibig.

5.PAMPAGANDA

Make up, lipstick, mascara at eyebrow pencil, ilan lang ang mga ito sa mga pampagandang kinahihiligan ngayon ng mga kababaihan. Kilay is life. Parang mabibilang na sa daliri ang mga babaeng makakasalubong mo sa daan na hindi nakaayos ang kilay. Ultimong mga lola ay makikita mong ayos na ayos ang kanilang kilay at lisptik. Kaya kung ito ang ireregalo mo ay siguradong masisiyahan sila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here