Tonight with Boy Abunda April 11; Binibining Globe 2018 Michelle Gumabao

Sa Tonight with Boy Abunda April 11 ay isa na namang inspirational quotes ang ibinahagi ni Boy Abunda sa kanyang mga manonood. “He who is not courageous enough to take risk will accomplish nothing in life.” Ang quotes na ito ay mula kay Muhammad Ali. Totoo naman. Dahil wala naman talagang mararating ang isang tao na takot sumubok sa mga hamon ng buhay. Kaya kung meron kang gustong maabot, dapat matuto kang harapin ang mga challenges na pagdadaanan mo, kung hindi ay wala ka talagang maaacomplish. Kadalasan kasi ay doon na lamang tayo nagstay sa kung saan tayo komportable dahil natatakot tayong sumubok.

Hindi tulad ng bisita ngayon ni Tito Boy na walang iba kundi ang wagi sa Binibining Globe 2018 na si Michelle Gumabao. Isang binibining Filipina na hindi natakot sumubok ng ibang bagay sa kanyang buhay. Mula sa paglalaro ng volleyball ay sinubukan rin ni Michelle ang rumampa sa entablado ng beauty pageant. Dahil ito sa pagkumbinsi sa kanya ng mga kapamilya’t kaibigan. Hindi ito naging madali kay Michelle dahil wala siyang idea kung paano maging beauty queen. Isang matinding preparasyon ang inihanda niya kasama na roon ang mentally. Ikinonsulta rin niya ang kanyang pagdedesisyon sa ama na si Dennis Roldan tulad ng madalas niyang ginagawa dahil isa siyang daddy’s girl. Ibinuking rin ni Michelle ang sarili na noong sumali siya sa volleyball team ay napagkamalan siyang lesbian na tinawanan lang niya kaya hindi niya talaga ineexpect na magiging beauty queen pa siya.

Sa pagsali niya sa pageant ay muntik pa siyang madisqualified dahil sa mga hubad na larawan niyang kumalat sa internet, bagamat totoo na siya ang mga nasa larawan ay pinatotohanan rin naman niya na edited na ang mga lumabas na larawan kaya naipagpatuloy niya ang kanyang karera sa pageant. Hindi naman siya nabigo dahil ang dating pagchecheer sa kanya sa volleyball ay pagchecheer na sa sa kanya sa pageant ngayon dahil sa pagkakamit niya ng titulong Binibining Globe 2018. Pinapili siya ni Tito Boy kung bola o korona, mas pinili niya muna ang korona.

Aside from volleyball and beauty pageant, naging bahagi rin si Michelle ng Pinoy Big Brother noong 2014.

More TV Reviews

Joshua Garcia Bio

Eula Valdez Bio

Mylene Dizon Bio

Nash Aguas Bio

More Bios

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here