TITANIC, NAGPAPADALA NG SOS SIGNAL KADA 6 NA TAON

Karamihan ay alam ang tungkol sa barkong Titanic na lumubog noong Abril 1912— at marahil naging sikat pang lalo ang barko dahil ginawang pelikula ang nangyaring paglubog nito. Sa tatlong serye ng movie ng Titanic, pinakabantog ang bersyon na pinagbibidahan nina Leonardo DiCaprio at Kate Winslet noong 1997. Ang naturang barko rin ang kauna-unahang translantic ship na nagpapadala ng SOS signal sa pamamagitan ng radyo.

Pero, alam n’yo bang may misteryong napapaloob tungkol sa Titanic at sa pagpapadala nito ng SOS signals kahit mahigit sa 100 taon na itong lumubog! Papaano nangyari iyon?

Batay sa rebelasyon ni Lloyd Detmer na nagtrabaho noon bilang radio operator sa USS Teodore Roosevelt, nakatanggap umano siya ng kakatwang SOS signal noong Abril 15, 1972. Narinig pa niya sa headphones ang garalgal na boses na tila humihingi ng tulong para sa mga pasahero at mga crew ng lumubog na barkong Titanic. Nang iulat ni Detmer ang nangyari sa kanyang mga superiors, sinabihan siya na huwag rumesponde sa signal dahil baka aniya mag nagbibiro lang. Huwag aniya itong seryosohin.

Dala ng kanyang kuryusidad, Hinanap ni Detmer ang military records ng SOS signals at dito’y kanyang natukasan na ang ilang nagdaang radio operators noon ay nakatanggap din ng SOS signal mula sa Titanic noong taong 1918, 1924, 1930, 1936, 1942, 1948— o isang beses kada anim na taon.

Sa pamamagitan ng pagbabasa sa radiograms ng kanyang mga kasamahan, natuklasan niya rin na ang mga ito rin ay nakarinig din ng tinig ng una at huling kapitan ng Titanic na si Captain Edward Smith— na humihingi ng saklolo. Namangha si Detmer sa kanyang natuklasan at tinigilan na rin ang pananaliksik ng kakatwang pangyayari; na dahil nga roon ay nagkaroon siya ng neurosis o labis na pagkabalisa.Kalaunan, sumailalim siya sa gamutan sa military clinic sa Baltimore.

Kaugnay sa karanasan ni Detmer, inihayag ng mga imbestigador sa paranormal phenomenons na ang nasabing trahedya kng saan 1,500 katao ang nasawi; na ang kaluluwa’t enerhiya ng mga ito ay nakalagak sa isang temporal loop o circle at ginugunita ang trahedya kada 6 na taon. Noong 1996, iniulat ng Toronto Sun newspaper na ang isang barko sa Quebec ay nakatanggap din ng SOS signal mula sa Titanic. Pagkalipas nito, wala na aniyang gayung signal na natatanggap sa paniniwala na nakamtan na ng mga nasawi ang kapayapaan sa kanilang kinaroroonan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here