Tips Para Tapusin at Mag Move On sa Isang “Almost Relationship”

0
128

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Aminin mo na sa sarili mo na wala talaga kayong naging relasyon. Para sa ibang tao, napakadali lang makapag-move on sa isang “almost relationship”, pero ang hindi nila alam, ito ang isa sa pinakamasakit na mangyayari sa buhay mo. Kaya para sa akin, tanggapin mo na yan, huwag mong isiping madali, pero move on na. Read on.

Basahin ang tips na ito para matapos mo na ang isang komplikadong relasyon at makapag move on ka na agad agad. Tandaan mo, kung hindi mo sisimulan, walang magiging progress. Don’t be afraid to start over, don’t be afraid to risk your heart to cry its heart out.

  1. Pag-usapan ninyo ang “almost relationship” ninyo in person

Kitain mo siya in person at sabihin mo lahat ng nararamdaman mo at kung bakit hindi na ninyo dapat ituloy ang “almost relationship” ninyo. Make it as mature as possible and less emotional. Kapag puro emosyon kasi pinairal mo, mas walang patutunguhan ang usapan ninyo.

  1. Mag-set na ng boundaries

Sabihin mo sa kanya ang mga bagay na pwede at hindi ninyo na pwedeng gawin. Set boundaries straight and let him know that you’re not someone he can play around with. Basta’t totoo ka sa mga sinasabi mo at paninindigan mo ang mga sinasabi mo, walang magiging problema. Tulungan mo rin ang sarili mo.

  1. Alisin mo na siya sa sistema mo

Pagkatapos ng usapan ninyo, alisin mo na siya sa sistema mo. Start with your social media accounts. Delete him and delete pictures that will remind you of him. Cry if you want, it’s part of the process. Don’t be afraid to lose something, because in the first place, he’s not yours.

  1. Meet new people

Go out and make new friends. Find a new circle of people who can help you cope up with your pain. Pero di mo kelangan makahanap ng bagong tao agad. Pag nagkataon pa, baka masaktan ka nanaman. Mas mabuti pang maglibang ka muna by going out more.

  1. Love yourself

Find your strength by praying and loving yourself again. Marami ka nang kinalimutan para maging masaya at masaktan all at the same time, stop risking your heart and make it rest for a while muna. Tandaan mo rin na may mga nagmamahal sayo katulad ng pamilya at mga kaibigan mo. Malamang na nasasaktan din sila nung nasasaktan ka, so tandaan mo na hindi mo rin dapat hayaan masaktan ulit kasi para mo na ring sinasaktan mga nagmamahal talaga sayo.

  1. Love, still

Huwag mong hayaan magtake over yung anger sa puso mo. Magmahal ka pa rin kahit masakit. Trust people, still. Magmahal ka rin dahil love wins forever!

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here