Tips Para sa Wasto at Tamang Kalusugan ng mga Bata

1425
Taken at Latitude/Longitude:14.591588/120.969830. km (Map link)

Napakahalaga ang balanseng pagkain para sa mga bata.. Sa sandaling mabalanse natin nang maingat ang dami at klase ng pagkain na kinakain, ang lahat ng bahagi ng ating katawan ay kikilos nang maayos at ang katawan ay magtatrabaho nang epektibo. Ang  pagsunod sa mga tips na ito ay magpapanatili nang malusog at malakas na katawan ng ating mga anak.

1. Nakalilibang ang Pagkain…Magsaya sa iyong pagkain

Ang pagbabahagi ng pagkain sa pamilya at mga kaibigan sa bahay o paaralan ay mabisang paraan upang masiyahan sa pagkain. Nakatutuwang makita o malaman ang mga pinipiling pagkain ng ibang tao – ano ba ang mga pagkaing kinakain ng ating mga kaibigan? Ikaw ba ay sumusubok ng ibang pagkain kada araw? Tingnan ang iyong lunch box o pagkain sa hapag kainan. Ilang uri ng prutas at gulay ang iyong nakikita?

2. Ang agahan ay napaka-importanteng pagkain

Ang ating katawan ay kailangan ng enerhiya upang ito ay magtrabaho. Lalo na pagkatapos matulog sa gabi, ang enerhiya ng tao ay mababa. Kaya naman, kung patungo sa paaralan o sa anumang araw sa buong Lingo, simulan ang iyong umaga ng pag-aagahan. Kailangan ng mga pagkain na maraming carbohydrates: subukan din ang cereal na may gatas, prutas, at tinapay na kung maaari ay samahan ng karne.

3. Kumain ng iba’t ibang uri ng pagkain araw-araw, ang pagkakaiba-iba ang siyang sangkap para sa maayos na kalusugan

Kilangan ng katawan ang higit sa 40 nutrients (tulad ng vitamins at minerals) kada araw para sa malusog na katawan. Dahil sa wala namang isang pagkain na nagtataglay ng lahat ng ito, mahalagang balansehin ang kinakain kada araw. Sa katunayan, walang masama o mabuting pagkain, kaya hindi kailangang iwasan ang mga pagkaing hilig mo. Ang pinakamabisang paraan upang makuha ang tamang balanse ay ang pagkain ng iba’t ibang uri ng pagkain bawat araw.

4. Anong grupo ng pagkain ang ilalagay mo sa unahan? Ibase ang iyong pagkain sa carbohydrates

Halos kalahati ng calories sa iyong pagkain ay dapat na magmumula sa pagkaing maraming carbohydrates, tulad ng cereals, rice, pasta, potatoes at bread, kaya naman mabuting ideya na isama ang mga ito sa bawat pagkain. Subukan din ang whole grain bread, pasta at iba pang cereals upang magkaroon ng dagdag na fibre.

5. Gimme five! Kumain ng prutas at gulay sa bawat pagkain at maging ang malasang meryenda!

Ang mga prutas at gulay ay kasama sa pinaka-mahalagang pagkain na nagbibigay sa atin nang sapat na bitamina, mineral at fibre. Subukan nating lahat na kumain nang limang beses nito bawat araw. Halimbawa, isang baso ng fruit juice sa umaga, maaaring mansanas at saging sa meryenda at dalawang gulay sa oras ng pagkain. Nang sa gayon ay maabot mo ang kabuuang kailangan nutrisyon sa mga pagkaing ito.

6. Ang sobrang taba ay hindi makabubuti sa kalusugan

Ang pagkain ng sobrang fatty foods (tulad ng fried potatoes, fried meats at sausages, pies at pastries) ay maaaring makasama sa kalusugan. Gayundin, kumain lang ng mga pagkaing nilalagyan ng fat spreads tulad ng butter at margarines. Kahit na kailangan natin ng taba upang makuha ang lahat ng nutrients na kailangan ng katawan, mas makabubuti sa ating kalusugan na huwag sobrang kumain ng ganitong pagkain upang hindi mawala ang balanse sa ating pagkain.

7. Kumain nang palagian at pumili ng iba’t ibang meryenda

Kahit na kumakain ng regular sa bawat araw, may mga pagkakataon na makararamdam ng gutom, lalo na kapag may mga pisikal na aktibidad na ginagawa. Ang pagkain ng meryenda ang magpupuno sa kakulangang ito, subalit hindi ito dapat maging kapalit ng regular na pagkain, isa lamang itong pandagdag. May iba’t ibang klase ng meryenda na maaaring kainin. Ang maaaring pagpilian ay mga klase ng sariwa o tuyong prutas, mga piraso ng gulay tulad ng carrots o celery, unsalted nuts o rice crackers o kaya ay tinapay na may palamang keso. Paminsan-minsan, maaari ding subukan ang malulutong na packet snacks, tsokolate, piraso ng cake o mga biscuits. Anumang ang meryenda na iyong nais, tandaan lamang na lagyan ng iba’t ibang klase upang mapanatiling balanse ang lahat.

8. Pukawin ang uhaw. Uminom ng maraming tubig

Alam mo ba na higit sa kalahati ng iyong timbang ay tubig? Kaya naman sa pagbibigay sa katawan ng kailangan nitong pagkain sa bawat araw upang maging malusog, kailangan din nang hindi bababa sa limang baso ng tubig ang iniinom. Partikular na mahalagang uminom ng  maraming tubig lalo na kapag mainit ang panahon, o kaya naman ay may ginawang pisikal na aktibidad o nag-ehersisyo. Karaniwan – ngunit hindi naman palagi – ang iyong katawan ay magsasabi nito sa iyo, sa pamamagitan ng pagkaramdam na nauuhaw. Ang simpleng tubig ay mainam, pero maaari ding uminom ng tap water o mineral water, o iyong may lasa. Ang mga fruit juices, tea, soft drinks, milk at iba pang inumin ay mainam din paminsan-minsan.

9. Alagaan ang inyong ngipin! Sipilyuhin ang ngipin kahit man lang dalawang beses kada araw

Magsipilyo ng ngipit kahit man lang dalawang beses kada araw. Ang pagkain nang madalas ng mga pagkaing mataas sa sugar o starches ay may bahagi sa pagkakaroon ng sirang ngipin. Kaya naman huwag magkutkot at sumipsip ng inumin sa buong araw. Ang mga sugar-free chewing gum ay makatutulong upang mapanatili ang malusog na ngipin. Gayonpaman, ang pinakamabuting paraan upang mapanatili ang maayos na ngiti ay ang pagsisipilyo ng ngipin dalawang beses sa isang araw.

10. Kumilos! Maging aktibo sa bawat araw

Tulad ng bisikleta na maaaring kalawangin kapag hindi nagagamit, ang ating muscles at buto ay kailangan ding mapanatiling kumikilos. Ang aktibidad ay kailangan upang mapanatili ang puso na malusog at ang mga buto ay matibay. Maaari ding maging kasiya-siya ang mga aktibidad na ito. Ang maaaring gawin ay ang paglalakad patungo sa paaralan o kaya ay ang pag-akyat sa hagdan sa loob ng bahay. Gayundin, mga mas pisikal na gawaing pwedeng gawin na mabuti sa katawan ay ang swimming o anumang physical sports.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here