Tips Para sa Pagdi-Disiplina ng Anak na May ADHD

5
290

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Ang isa sa mga pinaka-karaniwang tanong ng mga magulang ng mga bata na may ADHD sa kanilang sarili ay kung ang kanilang anak ba ay kailangang disiplinahin sa ibang paraan. Kung minsan, ang pagdidisiplina sa mga bata na may ADHD ay maaaring maging isang hamon. Ngunit maaari mo itong gawing mas maayos para sa iyong anak at para sa iyong sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga tips na ito.

Ano ba ang kailangan mo pang malaman tungkol sa ADHD?

Ang normal na paniniwala ay ang mga bata na may ADHD ay may problema sa pagbibigay atensyon sa mga bagay. Ngunit sa katotohanan, ang kanilang pagkilos o behavior ay isang mas malaking problema. Iyon ang dahilan kung bakit ang pagdidisiplina sa mga bata na may ADHD ay maaaring maging isang malaking challenge.

Ang mga bata na may ADHD ay kadalasang nakakaharap ng mga isyu sa pag-focus at pagiging impulsive. Ito ang nagreresulta sa pagwawala at hindi maipaliwanag na pag-uugali. Kaya kung hinihiling mo sa iyong anak na may ADHD na makibahagi sa mga gawain na paulit-ulit, kailangan ng maraming trabaho, maging handa para sa mga sapatos na itinatapon sa buong silid. Ang mga bata na may ADHD ay mabilis makaramdam ng frustration kaya hindi nila kakayanin ang mabibigat na gawain.

Ang mga ito ay natural na naka-wire sa paraang makukuha nila ang mga bagay na higit sa kung ano ang gusto mong gawin nila. Kaya, kung ang iyong maliit na anak na lalaki na may ADHD ay hindi maaaring umupo sa kanyang upuan ngunit pupunta sa pagtatakbo sa buong restaurant, ito ay isa lamang sa kanyang pagiging hyperactive at impulsive ADHD symptoms. At normal bilang isang magulang na ma-stress dito. Pero hindi mo kailangang ma-stress.

Ang Tamang Paraan ng Pagdi-Disiplina sa batang may ADHD (At kung bakit nabibigo ang ilan sa kanilang strategies)

Ang mga magulang ng batang may ADHD ay kailangang maunawaan na ang ilang mga estratehiya na maaaring gumana sa ibang mga bata ay maaaring hindi gumana sa kanilang anak.

Halimbawa, kung mawala ang iyong pasensya sa iyong anak at biglang mapasigaw, maaaring magkaroon ito ng epekto dahil maaaring hindi ito laging nangyayari. Ngunit pagdating sa isang bata na may ADHD, maaari itong maging isang regular na pangyayari. Kapag lagi mo siyang sinisigawan, masasanay lamang siya at hindi ka papansinin.

Tandaan na ang anak mo ay dapat mas bigyan ng pansin sa istruktura, kaya dapat ay mas klaro ang mga sinasabi sa kanila.

Okay lang ba kapag may time-out?

Okay ang time-out, ngunit tandaan na dapat ay may time-out at time-in. Ibig sabihin, pupurihin mo sila kapag may ginawa silang tama. Kapag nakumpleto niya ang time-out, dapat ay batiin mo siya doon. Dapat ay hindi matagal ang kanilang time-out, mas okay kung 30 seconds hanggang 1 minuto lang. Dapat ay kalmado ka kahit hindi siya nakikinig. Huwag mo siyang basta hatakin at sigawan. Mas mabuti pang habaan ang kanilang time-out kaysa manakit.

Tandaan ang acronym na CARE para sa mga magulang na may anak na may ADHD:

  1. Clear – Alisin ang mga distractions na naghihikayat sa kanila magpakita ng masamang pag-uugali.
  2. Allow – Hayaan mong pumili ang anak mo ng activity.
  3. Redirect – Kapag hindi okay ang mga nangyayari sa kanyang ginagawang activity, mag-isip ka ng bagong activity.
  4. Exit – Kapag walang nangyayari, ipahinga mo muna ang utak mo.

More articles by Camille Jacinto

SHARE
Previous articlePAHULA 38: Ang taong kayang manghula at magpagaling
Next articleBalasa sa Aduana: Komentaryo
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

5 COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here