Tips Para Palaging Suwertehin

Ang buhay ay parang gulong. Kung minsan ay nasa itaas ka, may pagkakataon naman na nasa ibaba ka. At ang sakit-sakit sa pakiramdam kapag mayroon kang pinagdaraanan. Para ka kasing mayroong imbisibol na tao na nakatayo sa likod mo at handa kang saksakin o barilin.

Hay, ang hirap talaga kapag minamalas ka. Kung minsan kasi ang kamalasan na nararanasan mo ay nagkaka-sapin-sapin pa kaya may pagkakataon na parang gusto mo na sumuko. Naku, kapag ganu’n ang ginawa mo, ikaw din ang talo. Kaya, mabuti pang basahin mo ang artikulong ito para malaman mo ang Tips Para Palaging Suwertehin.

Una, maging mabait ka sa lahat ng pagkakataon. Kahit pa mayroong umaaway o umaapi sayo, wag ka gumanti. Sabi nga, ang mga api ay pirming pinagpapala. Isipin mo na lang na mayroong karma. Ibig sabihin, mayroon ding nakatakdang parusa sa mga taong gumagawa ng masama sa kanilang kapwa.

Pangalawa, maging masipag ka. Kahit na anong lucky charm ang isuot o i display mo, walang epekto kapag inuna mo ang iyong katamaran. Kaya, gumising ka nang maaga para sipagin ka.

Pangatlo, manalangin ka. Anuman ang nangyayari sa buhay mo,maganda o pangit, magpasalamat ka kay Lord. Hindi iyong maaalala mo lang siya kapag sinusubok ka. Mas susuwertehin ka sa’yong buhay kapag marunong ka magpasalamat sa pagpapala na iyong natatanggap.

.

O, gusto mo ba talagang suwertehin?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here