Tips para masigurong nakita mo na ang iyong Da One

624

Kahit naman nagkakaroon ka ng karelasyon, di mo pa rin nasisiguro kung siya na nga ba ang iyong da one o ang taong sa palagay mo’y inilaan ng tadhana para sa’yo. May mga pagkakataon kasing kaya mo lang naman siya nagustuhan ay dahil sa pisikal niyang anyo. Kaya sana ay basahin mo ang artikulo na ito para mabigyan kita ng Tips para masigurong nakita mo na ang iyong Da One 

Una, bumibilis ng husto ang tibok ng iyonig puso. Kalimitan ay inaakala natin na siya na ang para sa’yo dahil pagtibok ng iyong puso. Well, di lang ganu’n iyon. Dapat ay kahit lumipas na ang araw, buwan at mga taon ay di pa rin nababago ang pintig ng puso mo para sa kanya.

Pangalawa, gusto mo siyang laging nakikita at nakakasama. Pakiramdam mo ay kulang

na kulang ang oras ninyo para sa isa’t isa. Tila ibig mong pahintuin ang oras. Parang ayaw mo na umalis sa kanyang tabi kaya isang araw ay maiisip mo na gusto mo na siyang makasama sa habambuhay.

Pangatlo, kaya mong tanggapin ang kanyang pagkatao. Para sa’yo ay hindi na importante ang kanyang nakaraan, ang mahalaga lang sa’yo ay siya lamang. Kung minsan din ay hindi na importante sa’yo ang kanyang mga kapintasan. Ang tanging nakikita mo lang sa kanya ay ang kanyang mga katangian. Kaya naman, kaya mo siyang ipaglaban sa kahit na kanino.

O, ganito ba ang nararamdaman mo sa isang tao na sinasabi mo na mahal mo? Kung oo, mahal mo nga siya. Sana nga lang, tiyakin mo rin na talagang karapat-dapat siya sa’yong pagmamahal.

 

1 COMMENT

  1. hi good day ask lang pi kng ano ibig sabihin na nanaginip daw ng nanay ko na mag aasawa na dw ako pati best friend sabi nya skin. nanaginip sya ganun din nag aasaqa na ra ako ano kaya ang ibig sabihin noon?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here