Tips Para Mapigilan ang Sarili sa Online Shopping

Simula nang mauso ang mga online shopping websites dito sa Pilipinas, dumami na ang mga taong dumepende dito. Mas madali kasi at hindi na nila kailangan pumunta ng malls at shopping centers para tumingin ng mga gusto at kailangan nila. Mabilis din ang delivery at may option na “Cash on Delivery”, na ang ibig sabihin ay pwedeng ideliver muna bago ka magbayad. Yun nga lang, naging lifestyle na ito na hindi maiwasan ng mga tao.

Yung iba kasi, bumibili na sila ng sobrang dami nang hindi iniisip na napapagastos na sila ng sobrang dami. Kung isa ka sa mga taong ito, basahin ang article na ito at alamin ang tips kung paano mapigilan ang sarili mag online shopping.

1. Remind yourself of your monthly income

This way, makikita mo ano lang ang perang meron ka at malalaman mo magkano lang ang dapat mong ginagastos everyday. Kapag alam mo magkano lang ang pera mo, hindi ka magiging kampante sa paggastos ng walang tigil.

2. Check your daily, weekly and monthly expenses

Kapag nacheck mo na kung magkano ang pera mo, tingnan mo saan saan napupunta ang ginagastos mo. Example, sa baon mo papuntang office, o di kaya sa mga bills mo sa bahay. Magandang makita mo ito at malaman saang area ka napapagastos ng madalas. Kung sa online shopping ka lagi gumagastos, mag-isip isip ka na.

3. Budget your money wisely

Huwag mong hayaan na lagi ka na lang dumudukot sa bulsa mo, dahil baka dumating yung panahon na kapos na kapos ka na. Magtabi ka para sa bills mo, personal needs at savings mo. Tandaan na makakatulong ito sayo dahil mas madidisiplina ka sa pagbudget ng pera mo.

4. Allot money for leisure

Pwede ka rin mag-allot ng pera para sa mga luho mo. Yun nga lang, kung naubos mo ito agad, better wait for next month na lang. Remember not to live beyond your means. You can have fun, shop and travel, but also think about your future.

5. Alamin ang needs at wants

I-sort out mo yung mga kailangan mo sa mga bagay na gusto mo. Maging honest ka sa sarili mo at huwag mong dayain ang mga bagay na akala mo ay kailangan mo pero gusto mo lang pala. Learn how to be minimal, so that you will be free from the pressures of the world.

6. Remind yourself that you are not getting any younger and that you need to save!

Oras na para magtipid. Hindi bukas, o mamaya, kung hindi ngayon. Huwag mong hintayin na dumating yung isang araw na wala kang pang-ospital o pang patayo ng bahay dahil lagi kang bumibili ng kung anu-ano online. Learn how to save for the future.

Take time to assess these tips and make sure that you apply them accordingly.

SHARE
Previous articleMAHIWAGANG KASAMBAHAY
Next articleANO ANG SLEEP PARALYSIS AT BAKIT ITO NANGYAYARI (Part 1)
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here