Tips para mapanatili ang pagmamahal kahit magkalayo

1
127
Dear Maria: Advice column on PhilippineOne

Dear Maria,
Ang asawa ko po ay isang OFW sa Taiwan. Nu
ng nandito pa siya, maayos naman ang pagsasama namin hanggang sa makaisang taon siya sa abroad. Pero ngayon, habang tumatagal ay napapansin kong patabang nang patabang ang komunikasyon namin, ano pong dapat kong gawin para mapanatili ang pagmamahal namin kahit malayo kami sa isa’t-isa?- Gina

 

Gina,

Kailangan siyempreng panatilihin ninyo ang inyong komunikasyon. Madali na naman ang makipagkomunikasyon ngayon dahil mayroon ng social media at cellphone. Kahit na nasa malayo ang asawa mo, pwede kayong mag-chat palagi. Iyon nga lang, hindi naman maaaring sa lahat ng oras dahil mayroon siyang trabaho at hindi niya maaaring pabayaan iyon. Dahil kapag nawala ang focus niya sa kanyang trabaho, maaaring matanggal siya.

Huwag ka munang mag-isip ng masama sa’yong mister. Kailangan mo rin naman siyang unawain. Baka naman kasi masyado ka lang nag-iisip ng masama. Kung ganoon ang gagawin mo, baka naman masira lamang ang inyong relasyon. Ang payo ko sa’yo, easy ka lang. Kapag nagkaroon kayo ng pagkakataon mag-usap kayo ng mabuti.

Ang pinakamabisang paraan para hindi kayo magkasira, kailangan ninyong maging open sa isa’t isa. Kaya, kung may sama ka ng loob sa kanya, sabihin mo. Pero, sana kapag napag-usapan na ninyo ang inyong sitwasyon, huwag mo na uulit-ulitin pa. Ibig sabihin, mag-move on ka na sa isyu. Bukod sa pagmamahal, kailangan mo ring magtiwala sa mister mo. Hindi makabubuti kung dahil lang sa tumatabang ang pakikitungo niya sa’yo ay iisipin mo ng nawawala na ang pagmamahal niya sa’yo dahil baka naman hindi iyon ang tunay na dahilan.

Baka naman kasi mayroon siyang problema na hindi masabi sa’yo. Baka mamaya ay mayroon siyang problema sa trabaho at lagi niya iyong iniisip. O baka naman mayroon siyang karamdaman pero hindi niya sinasabi sa’yo dahil ayaw niyang mag-alala ka. Kaya, huwag kang mag-iisip ng nega. Alalahanin mo nasa malayong lugar siya kaya dapat ay unawain mo siya at intindihin din. Ipadama mo palagi sa kanya ang iyong pagmamahal.

Sana, kahit magkalayo kayo ay ipapadama mo sa kanya na kahit na anong mangyari ay lagi ka pa ring naririyan sa kanyang tabi. Kapag magkausap kayo, sabihan mo siya palagi ng ‘I miss you’ at ‘I love you’. Para kung anuman ang pag-aalinlangan o negatibong nararamdaman niya ay magagawa niyang labanan. Kalimitan kasi, inspirasyon ang kailangan ng mga taong nasa ibang bansa.

1 COMMENT

  1. Dear Maria,
    Lola’s girl po ako. Lahat naman ng sabihin ng lola ko sinusunod ako. Pero bakit pati ang pagpili ko ng boyfriend ay kailangang siya ang masunod. Ayaw niya sa bf ko kaya patago lang tuloy kami nagkikita. Ang gusto niya ay yung makakapagbigay daw sa’kin ng magandang buhay.Parang teleserye lang ang buhay ko ?pero ito po ang katotohanan. Dapat ko po bang sundin ang lola ko kahit puso ko na ang nahihirapan?- Aida

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here