Tips Para Mapalago Ang Negosyong Bigasan Ayon Sa Pamahiin

Ang bigas ay may likas ng taglay na suwerte. Kaya nga kapag bagong lipat ka sa isang tahanan, sinasabi ng matatanda na una mong ipasok ang bigas at asin dahil ang mga ito ang siyang magbibigay ng suwerte sa inyong bagong tahanan kaugnay sa inyong kabuhayan. Kung ito naman ang iyong mapipiling negosyo, may taglay na itong suwerte at nasa sa’yo na lang kung paano mo makukuha ang suwerteng ito. Narito ang ilang tips na maaari mong sundin o balewalain.

1.Halimbawa, ang iyong negosyong bigas ay ay maliit pa lang, kumuha ka ng isang gatang at iyo itong itabi sa lalagyanan ng iyong benta. O kung malaki ang iyong kaha ay maaari mong doon ilagay.

2.Iwasan ang madalas na pagtikim ng butil ng bigas na kung minsan ay nakakagawian ng iba. Hindi suwerte kundi kamalasan ang idudulot nito sa iyong panindang bigas.

3.Ang unang benta ng bigas ay maaari mong ilubog o ibaon sa pinakailalim na bahagi ng iyong bigasan. Magsisilbi itong lucky charm na hahatak ng mga customers para bumili sa’yo ng bigas. Maaari ring ihipo ang unang benta sa iba pang bigas upang ang hatid nitong suwerte ay humawa sa iba pang uri ng bigas na iyong ibinebenta.

4. Hindi mo maaaring ipautang ang unang benta sa bigas. Dahil ang unang benta ang siyang magdadala sa’yo ng suwerte. Ang pangalawa o susunod pang benta ay maaari mo ng ipautang subalit siguraduhin na ang tao na pauutangin ay maluwag humawak ng pera at agad kang mababayaran. Ang taong ubod ng kuripot ay hindi suwerteng pautangin ng bigas.

5.Kung ano ang bigas na mabenta ay iyon ang dadamihan mo ng bili para maibenta. Habang ang iba ay pansuporta na lang sa iyong paninda.Malas ang hatid ng mga klase ng bigas na hindi pinapansin ng mga mamimili.

6.Dahil tulad ng bigas, ang asin ay may taglay ding suwerte kaya naman maaari kang maglagay ng isang garapon ng asin malapit o sa loob mismo ng tindahan ng bigas.

SHARE
Previous articlePanaginip Na Nakikipagtalik Sa Parehong Kasarian
Next articleEstudyante Tumalon Sa City Hall Ng Malabon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here