Tips para malaman kung mukhang pera ang isang tao

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Marami ang magaling magpanggap, kaya, kailangan ay matuto ka na. Kung hindi, iisahan ka lang niya palagi. Siguro naman ay hindi mo gusto iyon, hindi ba? Kaya, gamitin mo rin ang utak mo para malaman kung ano nga ba ang totoong layunin sa’yo ng mga tao na lumalapit sa’yo. Para hindi ka na maloko pa, makabubuting mayroon kang Tips para malaman kung mukhang pera ang isang tao.

Una, mahilig siyang magpalibre. Kung kaibigan mo siya at may pera ka, wala namang masama kung manlilibre ka pero hindi naman dapat na palagi. Aba, abuso na iyon kaya huwag mo rin siyang sanayin.

Pangalawa, mahilig siyang mangutang. Hindi naman masama ang mangutang lalo na kung may emergency kaya lang kung wala siyang ginawa kapag nakikita ka kundi humiram ng pera sa’yo, inaabuso ka na niya. Okay lang sana kung binabayaran ka pero kung didedmahin ka lang niya kapag sinisingil mo na siya, ibig sabihin, kinaibigan o nakipaglapit lang siya sa’yo dahil mayroon siyang mahihita sa’yo.

Pangatlo, mahilig magpaawa. May mga tao rin naman na magaling magpanggap. Hindi nga sila nagpapalibre o nangungutang pero may kakaiba naman silang istilo. Nagkukuwento siya sa’yo ng makabagbag damdamin niyang karanasan para siya ay labis mong kaawaan at sa sobrang pagkaawa mo, hindi mo namamalayan na inaabutan mo na pala sila ng pera.

Pang-apat, hindi mapakali ang kanyang eye balls kapag nasa inyong bahay. Kapag nagpupunta siya sa inyong bahay, ikaw ang binibisita niya kaya dapat lang na nasa’yo ang focus niya. Kung mas nagbibigay pa siya ng atensyon sa mga mamahalin mong kagamitan, tiyak na di ikaw ang target niyan kaya mag-ingat ka.

Sa hirap ng buhay ngayon, marami talaga ang ibig makakuha ng pera sa madaliang paraan kaya huwag ka na magpagamit pa sa mga ganyang klaseng tao dahil kawawa ka lang. Kung mayroon ka mang yaman, baka di mo mamalayan na nauubos na ‘yan.

MAG

SHARE
Previous articlePamahiin Suhe: May Kakaibang Kakayahan
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Nobyembre 16, 2019

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here