Tips para malaman kung ang tao ay isinumpa

0
2293

Ang ng Tips para malaman kung ang tao ay isinumpa ay mula sa tanong ni Stanley JP Acosta.

Kapag tayo ay walang nakikitang maganda sa buhay ng isang tao. ‘Yung tipong patong-patong na kamalasan ang nangyayari sa kanyang buhay, iisipin natin na parang hindi siya mahal ni God dahil sa matitinding pagsubok na ibinibigay sa kanya. Pero, ganoon nga ba talaga iyon? Hindi ba, mahal ni God ang kanyang nilikha kaya parang napakaimposible naman na maisipan niyang parusahan tayo. Ang nais nga niya ay mailigtas tayo sa mga kasamaan na nangyayari sa ating buhay.

Kung ganoon, hindi nga ba si God ang dahilan kaya ang iba sa atin ay nakakaranas ng kamiserablehan. Sa mundo ng hiwaga, masasabi kong ang mga tao rin ang dahilan kaya may ilan sa atin ang nakakaramdam ng kapighatian. Sa maniwala ka man o sa hindi, ang mga negatibong emosyon na nararamdaman ng tao sa atin ay makapagdudulot ng kamalasan sa ating buhay. Kaya, mas mamalasin pa ang isang tao kapag siya’y ‘isinumpa’ ng isang tao.

Sa pagbulalas kasi natin ng ‘sumpa’ sa isang tao, parang may natatawag tayong masasamang nilalang na maaaring makatulong sa atin para pahirapan natin ang isang tao.

Marami man ang hindi naniniwala sa salitang ‘sumpa’ pero ito ay totoo. Maaaring kapag nag-isip tayo ng masama sa isang tao, magkakatotoo ito. Kaya’t talagang kailangan mo ring mag-ingat sa’yong pagsasalita kung ayaw mong mapahamak ang isang tao dahil sa’yo. Ngunit, paano nga bang malalaman kung ang tao ay ay isinumpa? Naririto ang ilang Tips para malaman kung ang isang tao ay isinumpa.

Una, tinamaan ng sakit. Ito ang karaniwang nangyayari kapag nagalit ka sa isang tao. Mabibigyan mo siya ng karamdaman na hindi basta-basta malulunasan. Noong nagtatrabaho pa ako sa opisina ay nakuwento ng officemate ko na ang kapatid niyang teacher ay bigla na lamang nanakit ang lalamunan. Dahilan para hindi siya makakain at nahihirapan din siyang magsalita. Hindi siya napagaling ng doktor kaya nagpunta na siya sa albularyo. Doon ay nalaman na kinukulam pala siya. Kaya ang inutos sa kanya ng albularyo ay lumubog siya sa drum ng tubig. Ilang minuto pa lamang siyang nakalubog roon, may kakaiba na siyang naramdaman. Nang umahon siya ay bigla siyang dumighay at pagkaraan ay lumabas ang isang holen.

Ang usog ay para ring sumpa na ipapataw mo sa isang tao dahil hindi siya gagaling hangga’t hindi mo nalalawayan. Kung hindi mo maisip ang ilan pang alternatibo para mawala ang bisa ng usog gaya ng pagpapakulo ng damit na suot nu’ng araw na iyon, maaaring mamatay ang nausog.

Pangalawa, kahirapan. Hindi man lahat ng tao ay ipinanganak ng mayaman, hindi pa rin dahilan iyon para hindi siya umangat. Kung masipag ka naman kasi, siguradong susuwertehin ka pa rin. Kaya nga lang, kapag may taong nagpataw sa’yo ng sumpa na maghihirap ka, kahit gaano ka pa kasipag, siguradong magkakamalas-malas ang buhay mo.

Pangatlo, pagkabaog. Kung ikaw ay nanloko o nagpaasa ng isang lalaki o babae, magkakaroon siya ng kakayahan na patawan ka ng sumpa na hindi ka kailanman magkakaanak. Ito ay dahil sa matinding emosyon niya ng mga sandaling iyon.

Pang-apat, matinding takot. Kapag isinumpa mo ang isang tao ay magkakaron siya ng halucination. Ibig sabihin, makakakita siya ng kung anu-anong bagay na maaring maging dahilan para mapatid mo ang kanyang katinuan.

Panlima, kamatayan. Maaaring tumalab pa ang sumpa na ito sa mga mahal sa buhay ng taong isinumpa mo. Dahil habang nagbubulalas ka ng sumpa, ang nasa isip mo ay masaktan siya ng todo at mangyayari lang iyon kapag nawala ang mga mahal niya sa buhay.

O, kapag ba naka-sumpa ka ng isang tao ay gagaan na ang pakiramdam mo? Kung sasabihin mong hindi, pag-isipan mo muna ang anumang sasabihin mo. Mas maigi pa nga kung ipaubaya mo na lamang sa kanyang kapalaran ang magiging kaparusahan niya.  

Sana naman ay may natutunan ka sa Tips para malaman kung ang tao ay isinumpa.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here