Tips para makapag-save ng pera

Tunghayan ang Tips para makapag-save ng pera.

Ang pagsi-save ng pera ang pinakamahirap gawin kung ikaw ay gastador o gastadora. Ang lagi lang kasing maiisip mo ay ang pagbili ng masasarap na pagkain at magagandang mga kagamitan tulad na lamang ng mga gadgets.

Kung ikaw nga ay ang tipo ng taong hindi iniisip ang maaaring mangyari bukas, malamang ikaw ay magiging miserable. Baka dumating ang araw na makita mo na lamang ang sarili mong nasa namamalimos sa daan. Siguro naman, hindi mo rin ugustuhing mangyari iyon kaya makabubuting huwag mong iisnabin ang aking Tips para makapag-save ng pera.

Una, magtabi na kapag nagkaroon ng pera. Ang isang dahilan kaya hindi tayo nakakapag-ipon, ay dahil hindi natin ipina-priority ang pagsi-save ng pera. Basta kapag nakahawak tayo ng malaking halaking halaga, nakakaramdam tayo ng kasiyahan at ang agad nating iniisip ay ang mga bibilhin natin. Aba, hindi tama ang ganoon. Kailangan mo siyempreng alalahanin ang mga kailangan natin, iyon ang dapat nating I-priority.

Ang turo sa akin ng mother ko, kumuha ako ng isang white or brown envelope at ilagay roon ang mga kailangang bayaran para hindi ka mamrublema.Napakaimportanteng magkaroon ka ng pambayad sa kuryente, tubig at pati na rin sa wifi mo. Kapag kasi na-delay ka ng bayad ay maaari kang maputulan ng kuryente, mawalan ng tubig at ma-disconnect ang iyong Internet connection.

Pangalawa, huwag kang masanay sa magarbong buhay. Kahit gaano pa kalaki ang iyong sahod, huwag na huwag kang masasanay sa karangyaan. Hindi mo kasi mamamalayang wala ka ng pera kapag bili ka ng bili. Ang kailangan mong intindihin ay iyong mga importante. Gaya na lang halimbawa kapag nagkasakit ka. Dapat lamang na mayroon kang mahuhugot kapag kailangan mong magpunta sa doktor.

Pangatlo, palaguin ang pera. Sa halip na mag-isip ka ng pagkakagastahan, makabubuti kung isipin mo kung pano mo palalaguin ang iyong salapi. Makabubuting mag-invest ka kaysa gumasta ka nang gumasta ng walang kapararakang bagay.

Pang-apat, mag-budget. Bukod sa itinabi mo ng pera, kailangan mo ring matutunan ang pagba-budget. Ang bina-budget-an mo ay iyong mga ginagasta natin araw araw tulad na lamang sa pagkain at pamasahe kung ikaw ay nagtatrabaho. Hindi naman dapat laging masarap ang pagkain mo. Kapag ganoon kasi ang ginawa mo, baka naman ang sahod mo ay hindi umabot sa susunod mong sahod. Kapag ganoon ang nangyari, siguradong mapipilitan ka lamang mangutang. At ang pangungutang ay hindi mo dapat kasanayan dahil hindi ka talaga makakapag-ipon. Sa halip, malulubog ka lang sa kamiserablehan.

Panlima, iwasan ang pagbibisyo. Kapag mayroon kang bisyo tulad ng pagsusugal, paninigarilyo o pag-inom ng alak, talaga ngang hindi ka makakapag-ipon dahil kapag wala ka ng pera, siguradong pati ang pinakatagu-tago mong barya ay hahagilapin mo para lamang may maipantustos ka sa’yong bisyo. At kailangan mong tandaan na ang gawaing masama ay walang maidudulot na mabuti sa’yo.

Kaya, sana ay itanim mo sa’yong utak ang ilang tips na ito.

Salamat sa pagbasa sa Tips para makapag-save ng pera.

More I AM FILIPINO

More TIPS

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here