Tips para makapag-move on

0
390

Kapag minahal mo ng todo ang isang tao, talaga ngang mahihirapan kang siya’y kalimutan kaya lang hindi naman maari iyong lagi ka na lang mag-e-emote. Kailangan mo rin siyempreng intindihin ang iyong sarili. Ang minamahal mo lang naman ang nawala pero nandiyan pa rin ang uso mo kaya dapat lamang na ipagpatuloy mo ang iyong buhay. Kaya naman ginawa ko ang artikulong Tips para makapag-move on para naman maigiya kita sa tamang landas.

Alam ko kasing m-depress o kaya naman naman ay magpakamatay dahil sa pag-ibig. Ilan na bang umibig ang winakasan ang kanilang buhay dahil sa pag-iwan sa kanila ng kanilang minamahal at ayoko siyempreng mangyari iyon kaya sana sundin mo ang Tips para makapag-move on.

Una, umiyak ka. Natural lang talaga na iiyak mo ang sakit na nararamdaman mo. Nasaktan ka, kaya, ilabas mo ng husto ‘yan. Walang masama kung umiyak ka man. Pawalan mo ang emosyon na nagpapahirap sa’yo ng labis.

Pangalawa, kumain ka. Kailangan mong makapag-isip ng matino kaya dapat lamang na kumain ka. Makakatulong ‘yan para ma-realize mong magsasayang ka lang oras sa pag-iyak sa’yong ex. Kung tatangihan mo kasi ang pagkain, baka naman kung anu-anong kabaliwan ang maisip mo. Gumising ka sa katotohanan, maganda ang buhay.

Pangatlo, isipin mo ang mga kapintasan at kakulangan niya. Gusto mong makalimot, hindi ba? Kung ganoon, ang balikan mo sa isipan mo ay iyong mga pag-away ninyo at ang mga kapalpakan na ginawa niya sa inyong relasyon. Kapag nagawa mo ‘yan, nakasisiguro ako sa’yong maiisip mo rin na hindi naman siya karapat-dapat sa’yong pag-ibig.

Pang-apat, itago o sunugin mo na ang mga natitira pa niyang alala sa’yo. Hindi naman kasi makakatulong sa’yo kung lagi mo na lang nakikita ang mga bigay niya. Baka maging dahilan pa ‘yan para maisip mong baka mayroon pang pag-asa. Huwag mo na lokohin ang iyong sarili. Kung talaga kasing mahal ka niya, nakasisiguro akong hindi ka niya iiwanan.

Panlima, ibaling ang pansin sa mahahalagang gawain. Kung naging broken hearted ka minsan o kaya naman ay palagi kang nabu-broken hearted, hindi pa rin dahilan ‘yan para kalimutan mo na ang iyong mga pangarap. Sa pagkakataong durog na durog ang iyong puso, kailangan mo ring buuin ang iyong sarili. Kaya naman, mag-aral kang mabuti kung isa ka pa lang estudyante. Kung ikaw naman ay nagtatrabaho na, makabubuti pa ring mag-concentrate ka sa trabaho para hindi ka magkamali-mali.

O, sana naman kahit papano ay nakatulong ako para mabigyan kita ng Tips para makapag-move on.

 

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here