Tips para makamit mo ang Tagumpay

271

Ang Tips para makamit mo ang Tagumpay ay naririto na.

Una, abutin ang pangarap. Maging masigasig ka na abutin ang iyong pangarap. Determinasyon at konsentrasyon ang kailangan para ito’y magawa mo. Kung isa ka pa lang estudyante, mag aral kang mabuti. Kung mayroon ka ng trabaho, magpakita ka ng kasipagan para makita ng boss mo na karapat dapat kang ma promote.

Pangalawa, pahalagahan ang mga taong nakatulong sa’yo lalung lalo na ang iyong mga magulang. Kahit na mayroon ka ng magandang trabaho, di ka dapat makakalimot. Makabubuti rin kung may kapamilya kang magiging inspirasyon mo para makuha mo ng bongga ang iyong pangarap.

Pangatlo, mag impok. Hindi  mo masasabi na matagumpay ka kung wala ka namang ipon, kaya, habang kumikita ka ay magtabi tabi ka rin. Darating ang araw na mangangailangan ka kaya kailangan ay maging handa ka.

Pang apat, iwasan ang mga negatibong ugali. Ang mga pangit mong gawi o pag uugali ay siyang magbibigay ng kamalasan sayo. Huwag mo itong pahintulutang mangyari. Ang dapat mong gawin ay ipakita palagi ang positibo mong pag uugali para mas lalo kang mahalin ng suwerte. Ibig sabihin, manatili kang mapagkumbaba.

Panlima, huwag huminto sa pangangarap. Hindi porke masaya ang boss mo sa’yong trabaho ngayon, makukuntento ka na. Di ka dapat maging kampante. Sige ka, baka magulat ka na lang na wala na ang pangarap mo.

O, nais mo bang magtagumpay?

MAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here