Tips para makaiwas sa atake

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Dapat lang nating alagaan ang ating puso dahil baka bumigay ‘yan kapag nagpabaya ka. Siguro naman ay hindi mo gugustuhing mangyari iyon lalo na’t may pamilya kang labis na umaasa sa’yo. Kapag nawala ka kasi tiyak na sobra silang maaapektuhan at malaki pa ang posibilidad na magkaroon sila ng miserableng buhay. Kaya, kailangan mong basain itong Tips para makaiwas sa atake.

Una, iwasan ang mga pagkaing walang sustansiya. Masarap ang lechon, pizza, ice cream at kung anu ano pang dahilan ng ating pagtaba na talaga namang makakaapekto sa ating kalusugan. Kapag kumain ka ng matatabang pagkain, may tendensiya na mabarahan ang ugat sa’yong puso. Kapag nagpakasawa ka naman sa pagkain ng matatamis ay maaari kang magkaroon ng diabetes at kapag mahilig ka sa maalat ay pwede kang magkaroon ng kidney stone. Kaya sana ay mas damihan mo ang pagkain ng prutas at gulay.

Pangalawa, huwag dibdibin ang problema. Natural lang naman na magkaroon tayo ng problema. ‘Yan ang nagpapalakas at nagpapatatag sa atin. Ang kailangan lang talaga nating gawin ay hanapan natin ng solusyon ang ating problema. Sabi nga, lahat ng suliranin ay nalulutas.

Pangatlo, huwag magpakapagod ng husto. Huwag mong abusuhin ang iyong sarili. Hindi porke gusto mo magkaroon ng sankaterbang pera, di ka na magpapahinga. Kailangan mo ng sapat na oras para makapag recharge.

Pang apat, regular check up sa doktor. Para masiguro mong malusog ka, ugaliin mo ang pagpapa check up. Kapag masama palagi ang pakiramdam mo, magpasuri ka na agad. Mas maigi nang mapagastos ka para matiyak mo ang iyong kalusugan.

Panlima, maging masaya palagi. Kung kontento ka sa’yong buhay makakaramdam ka lagi ng kasiyahan. Di ka mai stress isipin ang mga bagay na wala naman sa’yo. Kaya, maiging tanggapin mo na di lahat ng gusto mo ay iyong makukuha.

O, ano bang klaseng lifestyle mayroon ka?

MAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here