Tips para makaipon

Bawat Pinoy, ay nais na yumaman. Kaya nga lang, hindi nila alam kung paano magkakaroon ng katuparan ang simpleng pangarap nilang ito dahil sa kadahilanang sa kabila ng kagustuhan niyang yumaman, marami rin siyang gustong bilhin. At, hindi natin magagawang pagsabayin ang pag-ipon at paggasta kaya karaniwan ay laging wala tayong matinong ipon.

Ngunit, sapat na ba ito para ikaw ay sumuko?

Huwag!

Sabi nga, may paraan naman ang lahat ng bagay at ito ang ituturo ko sa’yo para magkaroon ng katuparan ang simple mong kagustuhan na makapag-ipon. Kaya sana ay pagtuunan mo ng pansin ang ilang Tips para makaipon.

Una, kailangan ay may mapagkukuhanan ka ng pera. Makabubuti siyempre ‘yung mayroon kang trabaho. Kung wala ka kasing pinagkakakitaan talaga ngang mahihirapan ka ngang mag-ipon. Kung wala ka naman kasing regular na trabaho, paano ka makakapag-ipon? Kaya, kung nais mong makaipon, dapat talagang mayroon kang matinong trabaho. Kung mayroon kang sobrang pera, sa halip na gastahin mo, ihulog mo na lamang sa banko mo o sa’yong alkansiya.

Pangalawa, kalimutan mong mayroon kang nakatabing pera. Kung lagi mo kasing isipin na mayroon kang pera, nakakasiguro ako na matutukso kang bilangin iyon para gastusin. Kailangan mong magpakatatag para maiwasan mo ang tukso na ‘yan.

Pangatlo, maging responsable ka. Kung sa simpleng pag-ipon pa lang ay hindi mo na magawang panindigan ang sinasabi ng iyong utak, paano ka pa magkakaroon ng magandang buhay? Siyempre, hindi mo magagawa ‘yan kung hindi ka magkakaroon ng determinasyon para mapanindigan ang gusto mong mangyari sa’yong buhay.

Pang-apat, mag-budget ka. Kung mayroon ka talagang gustong bilhin, sa halip na ubusin mo agad ang pera mo, mag-ipon ka na lang muna. Habang nag-iipon ka kasi, mas maa-appreciate mo ang perang hawak mo. Kaya, makabubuti kung kumuha ka ng ilang lata tapos lagyan mo ng label. Ilagay mo doon kung ano nga ba ang plano mo sa perang inipon mo. Ibibili mo ba ng bagong gadget, gagamitin mo sa paglalakwatsa o ipunin mo para sa’yong pagtanda.

Panlima, makontento ka sa’yong buhay. Hangga’t hindi ka nagdedesisyon na gusto mo lamang ng simpleng buhay, hindi ka makakapag-ipon. Kaya, kung sa palagay mo ay nagiging magarbo ka sa buhay mo ngayon, kailangan mong tumigil at mag-isip. Hindi habang buhay ay malakas ka. Kakailanganin mo rin talagang mag-ipon para may madudukot ka kung magkakasakit ka.

O, sana ay nagustuhan mo ang aking Tips para makaipon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here