Tips Para Maiwasan ang mga Toxic People

0
133

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Hindi natin maiiwasan na minsan sa buhay natin ay may mga makakasalamuha tayong mga klase ng tao na tinatawag nating toxic people. Sila yung mga taong walang buting naidudulot sa atin sa halip ay dinadala lang tayo sa kapahamakan. Sila rin yun mga tao na hindi naniniwala sa ating kakayahan at pilit tayong ibinababa lalo na kapag nakikita nila na tayo ay nagtatagumpay o umaasenso. Pero paano nga ba natin sila maiiwasan kung sila ay isa sa ating itinuturing na kaibigan o kaya naman ay mismong kamag-anak? Narito ang ilang paraan.

Huwag makipagplastikan. Hindi makakabuti kung ipagpapatuloy mo ang pakikipagmabutihan sa tao na alam mong hindi ka gusto. Yung tipong alam mo na ang intensyon niya pero deadma ka lang at hinahayaan mong gawin niya sa’yo ang makakapagpasaya sa kanya kahit alam mong ikakasama mo na ito. Huwag kang magpretend na okay lang ang lahat sa’yo. Umiwas hangga’t makakaiwas. Pero huwag hahayaang matapakan ang iyong dignidad.

Sabihin sa kanya ang nararamdaman mo. Kailangan mong magsalita. Sabihin mo sa kanya ang mga bagay na ayaw mo at gusto mo. Sitahin mo siya o pagsabihan kung kinakailangan. Hindi kailangang mauwi sa pakikipag-away ang komprontasyon kung magagawa mo siyang kausapin ng maayos. Ang importante ay malaman niya na alam mo ang kanyang hidden agenda.

Huwag masyadong dibdibin ang hindi maganda nilang ipinapakita. Kahit magkampi-kampi pa sila ay manatili ka lang sa iyong posisyon. Panindigan mo ang alam mong tama at huwag mong masyadong dibdibin ang mga sinasabi at ipinapakita nilang hindi maganda.

Alamin mo at unawain ang kanilang pinanggagalingan. May mga tao na nagmula sa broken family o kaya ay may hindi magandang karanasan na nagiging dahilan kung bakit sila ay nagiging negatibo. Ang bigat ng dibdib nila ay ipinapasa nila sa kanilang kapwa kung kaya sila ay nagiging toxic people para sa iba. Mas makakabuti kung mararamdaman ng isang toxic people ang iyong concern sa kanya at bibigyan siya ng pag-asa.

Ilaan ang oras para sa sarili. Kung sa tingin mo ay nagawa mo na ang lahat para baguhin ang pananaw ng isang toxic na tao sa buhay mo pero wala pa rin nangyari at hindi pa rin siya nagbago, ilaan mo na lang ang iyong oras para sa sarili at sikapin na hindi ka niya mapakialaman sa mga bagay na gusto mong gawin.

Sana ay nakapulot kayo ng tips kahit papa’no sa mga ibinahagi ko sa inyo. Sana ay natulungan kayo ng article na ito sa pakikipagdeal sa mga toxic people sa buhay nyo.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articleNUMEROLOGY 03. NI SENOR SOCRATES MAGNUS
Next articlePALMISTRY 216 ni Sir Govinda Jeremaya
I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here