Tips Para Maiwasan Ang Bangungot

0
186

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Naranasan mo na bang managinip na ikaw ay hindi ikaw? O nasa katauhan ka ng ibang tao na maaaring kilala mo o pwede rin namang hindi mo kilala. Dalawa ang posibleng dahilan kung bakit mo ito napapanaginipan.

REINCARNATION

Kung naniniwala ka sa kabilang buhay, maaaring naniniwala ka rin sa reincarnation kung saan ikaw ay posibleng nabuhay na noong unang panahon at ito ay sa katauhan ng ibang tao na hindi ikaw ngayon. Subalit gaano man kalayo ang generation gap nyo ng dating ikaw, posible pa rin na magkaroon ng pagkakataon na kayo ay maugnay sa isa’t-isa. Pwedeng habang ikaw ay gising at pwede rin naman na ito ay maganap habang ikaw ay tulog. Maaari mong makita ang iyong sarili na nabuhay noong unang panahon at sa iyong panaginip ay ginagampanan mo ang kanyang mga gawain at nakikisalamuha ka sa kanyang mga kakilala. Sa panaginip ay maaari mong matuklasan sa pamamagitan niya ang ilang bahagi ng iyong pagkatao na hindi mo maunawaan.

AMBITIONS

Kung napapanaginipan mo ang dating ikaw, posible rin na maging bahagi ng iyong panaginip ang ikaw sa hinaharap. Kung ano ang nilalaman ng iyong ambisyon na maging ikaw. Halimbawa, sa iyong bukas na pag-iisip ay inaasam mo na ikaw ay maging sikat na artista o mang-aawit, hindi kataka-taka na ito ay pumasok sa iyong panaginip at doon ay magkaroon ng katuparan, subalit sa iyong panaginip, ikaw ay sikat at hindi ang kasalukuyang ikaw. Maaaring ang iyong mukha dito ay iba, ganoon din ang pangangatawan subalit sa iyong pakiramdam ay ikaw ito. Hindi madaling ipaliwanag, pero sadyang hindi natin maiiwasan na minsan ay makapanaginip tayo ng ganito. Nasasagap ng ating unconscious mind ang kagustuhan ng ating conscious mind at binibigyang katuparan niya ito sa ating panaginip. May kaso rin na ang mapapanaginipan mo namang ikaw ay ang ikaw mismo sa hinaharap. Ang tinutukoy dito ay ang sunod mong reincarnation matapos ang iyong kasalukuyang buhay.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here