Tips Para Magustuhan Ka ng Taong Gusto Mo

0
199

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Nawawalan ka na ba ng pag-asa dahil mukhang malabo pa sa zombie apocalypse na magustuhan ka ng taong gusto mo? Chill ka lang at kalimutan ang pagsuko dahil may mga natitira pang paraan para magustuhan ka rin niya. Narito ang ilang tips na baka magustuhan mong gawin.

Tips #1

Alamin mo ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya like yung mga gusto niyang gawin.Halimbawa ay mahilig siya sa mga sports. Play his/her game.O kung mahilig siyang kumain, show him/her that you can cook. Hindi naman kailangan na magpokus ka sa mga bagay na gusto niya or sa mga hobbies niya. Gawin mo pa rin ang mga dati mong ginagawa, hindi mo kailangan baguhin yung sarili mong gusto. At least lang ay meron kang idea how to makes him/her happy.

Tips #2

Maging active ka sa field na pinili mo. Mas maganda kung magiging stand-out ka sa iyong propesyon. Sa ganitong paraan ay malaki ang posibilidad na ma-notice ka niya. Kapag magaling ka ay maraming makakapansin sa’yo at pwedeng isa na siya ro’n. Kung magagalingan siya sa’yo ay magiging madali na ang susunod na step para mapalapit ka naman sa kanya.

Tips #3

Be approachable. Okay lang na magpakipot, konting suplada effect at seryoso paminsan minsan. Pero dapat na makita rin niya yung side sa’yo na very approachable. Yung sa kabila ng pagiging prim and proper mo ay hindi siya mahihiyang lapitan ka at kaya mo pa ring tumawa sa mga jokes. Medyo awkward naman kasi kung puro kaseryosohan at kamisteryosohan ang ipapakita mo dahil baka sa halip na maging interesado siya sa’yo ay maboring siya sa attitude at personality mo.

Tips #4

Kung dumating yung time na medyo nagiging close na kayo, try not to judge his/her weakness o yung mga bagay na makikita mong mali sa kanya. Kailangan na maging malawak ang pang-unawa mo at maging open ka sa pagpapaliwanag ng mga bagay na hindi niya naiintindihan sa paraan na hindi niya iisiping sinasaklawan mo siya. Kailangan na mas maramdaman niya yung sympathy mula sa’yo kaysa panghuhusga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here