Tips para magkaroon ng happy ending

39

Kung inaakala mo na sapat na ‘yung nagpalitan kayo ng ‘i do’ para magkaroon kayo ng happy ending, nagkakamali ka riyan. Marami pa ring mag asawa ang naghihiwalay. Paano ba naman kasi, marami silang di pinagkakasunduan. Sa artikulong ito, nais kong ibahagi ang Tips para magkaroon ng happy ending.

 Una, pagmamahal. Kailangang buung buo ang pagmamahal na ibibigay mo sa’yong mapapangasawa. Kaya bago ka magmartsa papunta sa altar, siguraduhin mo munang siya talaga ang nasa iyong puso. Kung mayroon ka mang ex, tuluyan mo na siyang ibaon sa limot.

Pangalawa, tiwala. Pagkatiwalaan mo ng husto ang taong mamahalin mo at ganoon din siya dapat sa’yo. Kaya, hindi ‘yan dapat masira. Bago ka magsinungaling sa taong kabiyak ng iyong puso, pag isipan mo muna ng kung ilang beses. Kapag kasi nahuli ka niyang nagsinungaling sa kanya, baka di ka na niya paniwalaan sa susunod.

Pangatlo, respeto. Igalang mo ang iyong partner. Huwag mo siyang babastusin. Kung mayroong problema, pag usapan ninyo. Huwag magmumurahan at magsasakitan, kahit pa dumaraan kayo sa matinding away. Anuman kasi ang problema, masusolusyunan sa maayos na usapan.

Pang apat, lambing. May kasalanan ka man o wala, matuto kang maging sweet sa’yong partner para maramdaman niya ang pagmamahal mo. Sa pamamagitan nito ay mananatiling mainit ang inyong pagtitinginan.

Panlima, maasikaso. The way to a man’s heart is through his stomach, wika niya. Kaya, asikasuhin mo ang kanyang pagkain. Huwag na huwag mo siyang gugutumin dahil magiging simula iyan ng awayan. Anuman ang kailangan niya ay asikasuhin mo para masabi niya sa sarili na di siya mabubuhay na wala ka.

Pang anim, masipag. Kung ikaw ang mister, magtrabaho ka ng husto para mabigyan mo ng magandang buhay ang inyong pamilya. Kung ikaw naman ang misis, kailangan mo ring magsipag na gampanan ang papel mo bilang ilaw ng tahanan.

Pampito, maunawain. Hindi naman perpekto ang partner mo kaya huwag mong asahan na di siya magkakamali.

Pang walo, namumuri. I appreciate mo ang ang lahat sa kanya. Huwag mong hahanapin sa kanya ang wala. Makuntento ka sa kung anong kaya niyang ibigay sa’yo.

Pang siyam, marunong makuntento. Hindi porke di kaya ng partner mo ibigay ang mga materyal na bagay na gusto mo ay mababago na ang pakikitungo mo sa kanya. Alalahanin mo, maraming bagay na kailangan din sa inyong pagsasama at iyon ang dapat ninyong unahin.

Pang sampu, katapatan. Kahit ano pa ang gumugulo sa isipan mo, ibahagi mo sa’yong partner para ikaw ay kanyang matulungan. Di naman mahirap magsabi ng totoo. Tandaan mo lang, walang lihim na di nabubunyag.

O, sundin mo ito.

MAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here