Tips Para Maging Suwerte Ang Malas Na Bahay

Sa pamahiin, pinaniniwalaan na ang bahay ay nagtataglay ng suwerte depende sa kung ano ang posisyon nito. Halimbawa, ito ay papasukin ng suwerte kung nakaharap ito sa silangan kung saan sumisikat ang araw. Malas ang posisyon na kung tawagin ay tumbok. Malas ang mga bintana na nakatapat sa kapwa bintana.Malas din ang bintana na nakatapat sa pinto. Malas din ang pintuan na nakatapat sa kapwa pintuan. Ang dahilan ay magiging exit ito ng suwerte at magiging entrance naman ng masasamang espiritu. Kasama rin sa may malas at suwerteng posisyon sa bahay ang hagdan na ang sinusundan naman ay ang oro plata mata. Ang mga naniniwala sa pamahiin ay nagiging maingat sa pagpili ng bahay na bibilhin o uupahan. Ikinokonsidera nila ang posisyon nito at ng mga bahagi nito. Pero paano kung wala ka ng choice at yun lang ang pwede mong tirahan?

May paraan pa naman para ang malas na bahay ay pasukin ng suwerte. Kailangan mo lang sundin ang ilang tips gaya ng mga sumusunod.

1.Pinturahan ng maliwanag na kulay ang bahay. Siguraduhin na ang gagamiting mga kurtina ay puro maliliwanag rin ang kulay. Ang masasamang espiritu kadalasan ay umiiwas sa maaaliwalas na kulay dahil para itong liwanag na sumisilaw sa kanila at humahadlang sa kanilang pagpasok.

2.Maglagay ng mga lucky charms sa bawat sulok ng tahanan. Kabilang na ang silid, sala, kusina, cr, terrace, hagdan, bintana at pintuan. Malaki ang maitutulong ng wind chime. Ang tunog nito ay masakit sa pandinig ng masasamang espiritu.

3.Iwasan ang awayan sa loob ng tahanan. Hangga’t maaari ay gawing magaan at masaya ang samahan ng bawat miyembro ng pamilya. Kung ang mga nakatira sa isang tahanan ay puno ng pagmamahalan, maingay at masaya, ang masasamang espiritu at iba pang uri ng kamalasan ay nahahadlangan sa pagpasok dito.

4.Ang silent war sa pagitan ng dalawang miyembro ng pamilya ay hindi rin nararapat. Parang may buhay ang bahay na nasesense ang hindi magandang saloobin ng mga nakatira rito at umaattract ito ng kamalasan. Kaya kung may sama ng loob sa isa’t-isa ay dapat na itong ayusin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here