Tips para madagdagan ang suwerte sa pamamagitan ng Feng Shui

0
257

Hindi na bago sa atin ang pagsunod at paniniwala sa Feng Shui kung paano nito nababago ang ating mga buhay. Kaya naman may mga naniniwala sa impresyong ito lamang ang tanging paraan upang madagdagan ang suwerte ng isang tao. May iba pang paraan tulad ng astrolohiya, o kulto at ibang Indian at oriental practices. Subalit matapang pa ring masasabi na ang pagtatama ng Feng Shui ay mabilis na paraan upang maitaas ang ating personal na suwerte. Hindi ba natin narinig sa ating mga ninuno na nakukuha natin ang suwerte mula sa mga lugar kung saan tayo nabubuhay at nagtatrabaho sa bawat araw at gabi. Narito ang ilang paraan upang magawa ang mga bagay na ito…

1. Ang pasukang pintuan sa iyong apartment o bahay ay ang maaaring pinakamahalaga ayon sa Feng Shui. Dahil sa pamamagitan nito pumapasok ang  positibong enerhiya at suwerte sa iyong buhay. Anumang sagabal sa loob at labas mula sa harap na pintuan ay maaaring magresulta ng kamalasan sa mga nakatira doon. Mas makabubuti na ang harap na pintuan ay direktang hahantong sa isang maluwag at maliwanag na kuwarto. Hindi ito dapat nakaharap sa haligi o anumang lagayan ng sapatos. Itama sa pagtanggal sa lagayan ng sapatos o kaya ang pagbabago ng puwesto ng pinto.

2. Huwag maglagay ng salamin na mismong nasa tapat ng harap na pinto. Ang positibong enerhiya (Chi sa Feng Shui) na pumapasok ay ibinabalik ng salamin at nakakatakas sa pinto.

3. Iwasang matulog sa harap ng pintuan. Ayon sa Feng Shui, kapag ang paa ng tao ay direktang nakaharap sa pinto, ito ay kinokonsiderang posisyon nang malapit nang mamatay. Sa katunayan, ito ang dapat na posisyon ng mga patay. Kaya maaaring ilagay ang kama sa kanan o kaliwang bahagi ng pinto.

4. Panatilihin ang mangkok na may lamang sariwang asin sa palikuran. Likas na ang mga palikuran ay pinagmumulan ng negatibong enerhiya kahit saan man sila ilagay. Kaya naman ipinapayo ang pagpapanatili ng asin sa bintana ng palikuran. Sinasabing ang asin ang hihithit sa negatibong enerhiya. Gayundin, huwag kalimutang palitan ang basang asin ng sariwa at tuyong asin nang palagian.

5. Huwag magsabit ng kalendaryo sa harap o likod ng harapang pintuan. Sinasabing nakaaapekto ito sa haba ng buhay ng mga nakatira sa bahay at sumisimbolo at nagsasabi sa iyo ng mga natitirang araw sa iyong buhay.

6. Huwag maupo nang nakaharap sa isang blank wall. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga managers sa corporate houses ay nakaupo habang nakaharap sa blank wall  at kaharap nila ang computer screens. Hindi ito maganda ayon sa Feng Shui dahil nakaaapekto ito sa kanilang pag-iisip.

7. Huwag maglagay ng salamin sa silid-tulugan. Ang mga salamin na nakaharap sa kama ay maaaring maging sanhi ng mga sagabal sa relasyon ninyong mag-asawa. Dahil masama ito sa Feng Shui, kung minsan ay nagdadala ito ng ikatlong tao sa isang masayang buhay may-asawa.

8. Ang mag-asawa kaylanman ay hindi dapat na matulog sa double bed na may dalawang magkahiwalay na kutson. Dahil ang pagtulog sa magkahiwalay na kutson ay maaaring humantong sa paghihiwalay.

9. Maglagay ng laughing Buddha sa mantle o shelf na direktang nakaharap sa harap na pinto. Ang positibong enerhiya na pumapasok sa pamamagitan ng pinto ay binabati ng laughing Buddha at pinasisigla nito.

10. Maglagay ng tatlong old chinese coins sa cash box sa iyong buhay. Ayon sa Feng Shui, ang paglalagay ng old chinese coins ay napaka-epektibong paraan upang madagdagan ang kayamanan at kasaganaan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here