Tips Para Ma-Enjoy Ang Iyong Sex Life

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Masaya ka pa ba sa iyong sex life? Kung sa tingin mo ay medyo boring na ang sex life mo with your partner baka kailangan mo nang gumawa ng paraan para muli itong ma-enjoy. Hindi mo naman kailangang humanap pa ng ibang kapareha para lamang ma-excite ka ulit sa pakikipagsex. Kailangan mo lang malaman ang ilang mahahalagang bagay para muli kang masiyahan dito.

Ang mga sumusunod ay ang mga dapat mong bigyan ng pansin para ma-enjoy mo ang iyong sex life.

1.Kausapin ang iyong kapareha. May mga magkakapareha na nahihiyang pag-usapan ang tungkol sa sex. Yung tipong ginagawa na lang nila ito sa oras na makaramdam sila ng pagnanasa sa isa’t-isa. Isa ito sa mga dahilan kung bakit dumarating sa point na nagkakasawaan na lang sila. Kasi nagiging part of routine na lang nila ito. Mainam na magkaroon din ng tamang oras para pag-usapan ito. Sabihin kung ano pa ang kakulangan o kung meron kang posisyon na gustong subukan, o kung meron kang mas magandang ideya sa kung saan at anong oras nyo ito dapat gawin. Mga simpleng kaalaman na pwede ninyong ibahagi sa isa’t-isa.

2.Panatilihing malusog ang pangangatawan. Importante ang mabuting kalusugan at malusog na pangangatawan sa pakikipagsex. Kung ikaw ay may hindi magandang nararamdaman sa iyong katawan, huwag ka ng umasa na maeenjoy mo ang pakikipagtalik. Mag-exercise at kumain ng mga masusustansyang pagkain para manatili kang fit. Kung meron kang healthy body ay magiging healthy rin ang iyong mind. Sa ganitong sitwasyon ay magkakaroon ka ng sapat na lakas ng isip at katawan para tugunan ang iyong sexual needs.

3.Paganahin ang imahinasyon. Kung gusto mo talaga na ma-enjoy ang pakikipagsex, kailangan mong paganahin ang iyong imahinasyon sa kama. Be adventurous. Be sensual. Be playful. Kailangan ninyong subukan ang mga hindi nyo pa nasusubukan sa larangan ng sex para naman magkaroon ulit ito ng thrill. Kung hindi nyo pa nararanasan ang mag love making sa kitchen, sa cr, sa floor, sa garage o saan mang parte ng bahay nyo, bakit hindi nyo subukan? Pwede rin kayong magcreate ng isang environment kung saan gaganahan kayong makipagsex.

Ilan lamang iyan sa mga paraan na pwede ninyong gawin para ma-enjoy nyo ang inyong sex life at hindi kayo dumating sa point ng pagkasawa. Importante ito dahil ang sex ay may malaking bahaging ginagampanan sa isang pagsasama. It can make or break your relationship.

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Hunyo 12
Next articlePAHULA 197
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here